Lee Min-ho, Jun Matsumoto, o si Jerry Yan: Sino nga ba ang pinaka-astig na lider ng F4?



Maraming mga Pilipino sa ngayon ang talaga namang nahuhumaling sa mga Korean drama. Ngunit bago pa man mahalin ng publiko ang mga palabas na ito ay minsan na nating kinabiliban at minahal ang lider ng F4.


Mayroong tatlong mahuhusay na aktor na nagbigay ng buhay sa karakter na ito. Sila ay sina Jerry Yan, Jun Matsumoto at Lee Min-ho.



Si Jerry Yan ang gumanap sa kauna-unahang bersyon ng karakter ni “Dao Ming Si” ng Meteor Garden noong 2003. Talaga namang nahumaling ang maraming mga kabataan at maging ang mga “young at hearts” sa programang ito.


Isa na ito sa mga magagandang alaala ng mga kabataan noon dahil sa kilig, kaligayahan at inspirasyong naging dulot nito sa maraming mga Pilipino. Taong 2005 naman nang ipalabas ang Japanese version nito na pinamagatang “Hana Yori Dango” kung saan si Jun Matsumoto naman ang gumanap bilang si Domyouji Tsukasa.


At apat na taon ang lumipas ay naipalabas naman ang Korean version nito na “Boys Over Flowers” kung saan ginampanan naman ni Lee Min-ho ang karakter ni “Gu Jun-pyo”. Nagpa-survey kamakailan lamang ang netizen na si Mey Chua sa Facebook group na “We are 2k” kung sino nga ba talaga ang pinakamahusay na gumanap bilang lider ng F4 at talaga namang nagkaroon ng marami at sari-saring reaksyon ang mga netizens.

Para sa iilan, si Jerry Yan talaga ang naging pinakamahusay sa kanila dahil siya ang orihinal na gumanap sa karakter na ito. Siya rin ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa kanilang tatlo sa naturang survey.



Mayroon din namang labis na humanga sa mahusay na pagganap ni Jun sa Japanese version ng programa habang mayroon din naman mga nagsasabing mahusay din gumanap ang Korean actor na si Lee Min-ho. Tunay nga na kahit ilang taon na ang lumipas ay nananatili pa rin ang saya at kilig na nadarama natin sa tuwing maaalala natin ang mga pambihirang programa na ito.




error: Content is protected !!