Batang gumawa ng basahang cake para sa kaniyang kaarawan nakatanggap ng biyaya mula sa ilang netizens!



Bilang mga magulang, wala tayong ibang nais kundi ng hindi ang ikabubuti ng ating mga anak. Kahit anong hirap at sakripisyo ang ating gawin sa araw-araw ay hindi natin alintana basta’t mabigyan lamang natin ng maayos na buhay ang ating mga anak.



Madalas, kahit pa nga wala nang matira para sa ating sarili basta’t mauna lamang natin sila ay sapat na at talaga namang kaligayahan na sa ating mga puso. Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng marami ang video ng 7 taong gulang na batang ito dahil sa ang kaniyang handa o cake para sa kaniyang kaarawan ay cake na gawa sa basahan na nilagyan lamang ng kandila.


Ang batang ito na nakilala bilang si Angel ay naninirahan sa Barangay San Rafael, San Jose del Monte, Bulacan. Ang ina pala niya na si Rosalyn Fernandez ang gumawa ng tagpi-tagping basahan na ito na mistulang cake.

Ibinahagi ito ni Rosalyn sa kaniyang social media account at ayon pa sa ina ay talaga namang naiiyak daw siya habang pinapanuod ang video ng kaniyang anak. Kahit kaso gustuhin man niyang ibili ng totoong cake ang anak ay wala talaga silang kapera-pera dahil sa pandemya.



Nang mga oras mismong iyon ay hindi pa rin sila nananghalian. Agad namang kumalat at nag-viral ang naturang video online.

Maraming mga netizens ang nakapansin at mayroong ilang mga nagmagandang-loob na bigyan ng handa ang bata. Sinorpresa ng magpipinsan na mula sa Barangay Tungkong Mangga si Angel at binigyan nila ito ng totoong cake, fried chicken, ice cream at mga lobo.



Ikinatuwa naman ng maraming mga netizens ang kabutihang-loob na ginawa ng magpipinsan. Tunay nga na sa gitna ng pandemya ay hindi pa rin nawawala ang mga taong mayroong busilak na puso.

Sana ang mga ganitong klase ng pagtulong ay mas magbigay pa ng inspirasyon para sa maraming mga tao na minsan ay tila nakakalimutan nang magmalasakit at kahit papaano ay isipin pa rin ang kapakanan ng iba bago ang kanilang mga sarili.




error: Content is protected !!