Lolang nagpositibo sa COVID-19, ginawan ng “mouth-to-mouth resuscitation” ng apo nang bigla na lamang itong mahimatay!



Marami sa atin ang hanggang sa ngayon ay nakakaranas pa rin ng hirap at matinding pagsubok sa araw-araw. Lalo na nang bigla na lamang maminsala ang nakakatakot at nakakahawang sakit na COVID-19 sa maraming mga bansa sa buong mundo.



Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang ginawang ito ng isang lalaki para sa kaniyang lola. Nagpositibo sa COVID-19 ang matandang babae na ito at habang naghihintay siya ng mga nars at doktor kasama ang kaniyang apo ay bigla na lamang itong nahimatay!

Agad namang ginawan ng kaniyang apo ng “mouth-to-mouth resuscitation” ang kaniyang lola upang maisalba ang buhay nito. Hindi na niya alintana kung mayroon mang nakakahawang sakit ang kaniyang lola dahil sa ang nais lamang niya ay mailigtas ang buhay nito mula sa kapahamakan.



Ang mga larawang ito ay mula sa post ng “Life Truth” na kuha sa isang parking lot ng ospital. Tulad ng ibang mga pasyente ay kinakailangan munang sumunod sa mga “safety protocols” ng lola at ng kaniyang apo at habang naghihintay nga sila sa pila ay nangyari ang hindi inaasahang insidenteng ito.

Nahimatay ang matandang babae dahil sa “respiratory complications”. Nang mga sandaling iyon ay nakatanaw lamang sa malayo ang kaniyang apo, at nang mapansin nitong nawalan ng malay ang kaniyang lola ay agad niya itong pinuntahan.


Mayroong ilang mga staff ng ospital ang nagtungo agad sa kinaroroonan nila ngunit sa kasamaang-palad ay kinumpirma nilang wala nang pulso pa ang matandang babae. Talaga namang nakakalungkot ang kaganapan na ito kung saan makikita natin kung gaano kamahal ng naturang apo ang kaniyang lola.



Kahit pa alam niyang maaari siyang mahawa ng sakit sa kaniyang gagawing pagliligtas sa matandang babae ay mas inuna niya pa rin ang kaligtasan ng kaniyang lola. Hindi lahat ng tao ay magagawa ito ngunit talaga namang kamangha-mangha ang pinamalas na pagmamahal at katapangan ng apo para sa kaniyang minamahal na lola.




error: Content is protected !!