Mensahe ni Sharon Cuneta kay Mommy Pinty: “Iwanan niyo na po yung anak niyong yan.”



Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang naging pahayag ni Megastar Sharon Cuneta patungkol sa ina ng sikat na vlogger at host na si Alex Gonzaga. Ayon sa pahayag ni Megastar madalas siyang nanunuod ng mga vlogs ni Alex kung kaya naman gusto na niyang ampunin ang nanay nitong si Mommy Pinty.



Noong una sana ay nais ni Megastar na si Alex ang ampunin ngunit dahil sa naaawa na ito sa nanay niya na si Mommy Pinty, mas ninais na lamang nitong buksan ang kaniyang tahanan para kay Mommy Pinty at kay Daddy Bonoy. Talaga namang tuwang-tuwang ang mga netizens sa beteranang mang-aawit nang sabihin nitong iwanan na ni Mommy Pinty ang kaniyang anak at manirahan na lamang sa kanilang tahanan.

Nangako din naman si Megastar na kung papayag ang ina ni Alex at Toni Gonzaga ay ituturing niya itong reyna at hinding-hindi niya ito bibigyan ng konsumisyon. Sa kabilang banda, tuwang-tuwa rin naman si Alex dahil sa mga pahayag na ito ng batikang mang-aawit.


Ang kaniyang ina na si Mommy Pinty ay isa rin palang “Sharonian” na masugid na tagahanga ng Megastar kung kaya naman sigurado si Alex na labis labis ang kagalakang nadarama ngayon ng kaniyang ina. Umani ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa mga netizens ang viral video na ito ni Megastar.


Tunay ngang kapansin-pansin ang paghanga ng huli sa pamilya Gonzaga. Hindi na nakapagtatakang magkasundo ang dalawang pamilya dahil sa pareho silang mayroong mabubuting ugali at pagmamahal sa kanilang larangan.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay 54 na taong gulang na aktres, mang-aawit, television host, at commercial endorser. Tinagurian siyang “Megastar” sa larangan ng show business dahil sa pambihirang talento niya at ambag sa industriya bilang isang celebrity.



Tunay nga na hindi matatawaran ang husay at galing ng isang Megastar sa industriya ng show business.




error: Content is protected !!