Team Kramer labis na nagulat sa inabot ng kanilang “electric bill” na Php79,000!



Isa na yata ang Team Kramer sa pinakasikat na pamilya ngayon sa social media. Hindi lamang siya hinahangaan ng publiko dahil sa maayos at mabuti nilang pagpapalaki sa kanilang tatlong mga anak na sina Kendra, Scarlet, at Gavin kundi dahil sila mismong mag-asawa ay isang ehemplo ng masayang pagsasama na mas pinatatag pa ng panahon.



Ibinahagi ni Chesca at Doug Kramer ang nakakagulat nilang karanasan nang matanggap nila ang kanilang “electric bill”. Nang ipatayo nina Doug at Chesca ang kanilang malaking tahanan ay sinigurado nilang lahat ng kailangan nila ay naroroon na.


Ilan nga sa mga nakakamanghang parte ng kanilang mansyon ay ang kanilang “outdoor swimming pool”, “home theater”, at “elevator”. Maliban sa mga ito ay mayroon ding “homeschooling room” ang pamilya at sarili nilang “play area”.


Ang buong bahay nila ay marami ring “air conditioning unit” upang maging komportable ang bawat isa sa pananatili sa mga silid at iba pang bahagi ng kanilang napakagandang tahanan. Talaga namang napakaganda ng tahanan ng Team Kramer at marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nabigyan nila ng inspirasyon.


Ngunit sa kasamaang palad ay talaga namang nakakagulantang ang inabot ng konsumo nila sa kuryente dahil sa nagkahalaga ito ng tumataginting na Php79,000. Ayon sa naging pagkukwento ni Doug sa isa sa kanilang mga panayam, nasa kusina siya noon nang buksan niya ang kanilang “Meralco bill” nang dahan-dahan.




Talaga namang hindi siya makapaniwala nang makita niyang nagkakahalaga nga ng Php79,000 ang kanilang konsumo sa kuryente. Inakala pa niya noong una na nagkamali lamang siya ng tingin o di kaya naman ay masyadong naging malaki ang pagpapagawa niya ng pangarap nilang tahanan.

Dahil sa pangyayari na ito ay naghanap sila ng ibang pamamaraan upang mas makatipid sa kanilang konsumo. Sa ngayon ay mayroon na silang mga LEDs at inverter-type na mga “appliances” sa bahay.

Dahil rin sa pinakabit nilang mga “solar panels” kung saan nakatipid sila ng halos Php25,000 hanggang Php30,000!






error: Content is protected !!