Jinkee Pacquiao, masayang namumuhay ngayon sa kanilang probinsiya kasama ang kaniyang pamilya!



Tunay nga na walang makapapantay sa simple at napakakomportableng pamumuhay sa probinsiya. Marami sa ating mga Pilipino ang labis na nagbibigay importansiya at pagpapahalaga sa simple at komportableng pamumuhay na tanging sa probinsiya lamang natin maaaring maranasan.



Bukod kasi sa sariwang hangin at sariwang mga prutas at gulay ay ibang iba rin talaga ang pakikitungo ng mga tao sa probinsiya kumpara sa mga naninirahan sa siyudad. Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang kaniyang simpleng pamumuhay sa kanilang probinsiya sa Sarangani kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.


Talaga namang napakasarap gumising kung sariwang hangin at napakagandang tanawin ang bubungad sa iyong umaga. Sa mga ibinahaging larawan ni Jinkee sa kaniyang social media account ay makikita ang napakaganda niyang nito habang nakaharap sa nakalatag na hapag-kainan sa isang beach kung saan mayroong kape, tinapay at suman.


Hindi rin niya pinapalampas ang pagkakataong ito upang makapagpasalamat siya sa Diyos sa maraming mga biyayang natatanggap nila sa araw-araw. Nag-eehersisyo din siya ng madalas dahil sa napakasarap naman talagang simulan ang iyong umaga nang puno ka ng lakas para sa buong araw.



Sa ngayon ay nasa Sarangani ang pamilya ni Jinkee upang doon muna magpalipas ng mga araw habang hindi pa natatapos ang pandemyang kinakaharap ng ating bansa at ng iba pang bansa sa buong mundo. Maaaring nasa pamilya Pacquiao na ngayon ang lahat ng mga materyal na bagay na iyong maiisip, magmula sa mga mamahaling gamit sa bahay, bag, sapatos, mga sasakyan, gadgets at kung ano ano pa.


Ngunit sa kabila ng karangyaan at katagumpayang nararanasan nila sa ngayon ay nananatili pa ring natapak ang kanilang mga paa sa lupa at hindi pa rin sila nagsasawang tumulong sa mga taong nangangailangan. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas marami pang mga Pilipino ang humahanga, sumusuporta at nagmamahal sa kanilang buong pamilya.






error: Content is protected !!