Ama ni Heart Evangelista, ibinahagi ang tunay niyang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo noon sa kasal ng anak!



Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala ng publiko bilang si Heart Evangelista ay 35 taong gulang na aktres, TV host, visual media artist, pilantropo at socialite. Siya rin ang first lady ng probinsiya ng Sorsogon.



Ang Kapuso actress ay isa sa mga pinakasikat na aktres ng kaniyang henerasyon. Pinatunayan niya sa maraming mga Pilipino na hindi lamang siya maganda at mahusay sa larangan ng pag-arte kung hindi isa rin siya sa mga sikat na personalidad na mayroong mabuting kalooban.



Naging laman ng balita ang aktres kamakailan lamang dahil sa mga pagkakawang-gawa nito at mga kabutihang loob sa mga taong nangangailangan. Ngunit bago pa man niya makamit ang lahat ng mayroon siya sa ngayon ay dumaan din siya sa isang mahirap na pagsubok lalo na ng napagdesisyunan niya noong magpakasal sa kaniyang nobyong si Chiz Escudero.



Sa naging kasal kasi nila ay hindi dumalo ang kaniyang mga magulang. Inamin naman ng kaniyang ama sa naging panayam sa kaniya sa isang campaign ng isang sikat na softdrink brand ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya nasamahan si Heart na maglakad sa altar.



Ayon sa ama ni Heart na si Rey Ongpauco ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon.

“Siguro mga three years kaming nag-aaway nito, hindi kami nag-uusap. Kung am aka, kung maaari lang sayo tumira ang bata, habang buhay.” Pahayag ng ama ni Heart.
Dagdag pa ng ama ni Heart ay ninanais lamang nito ang makakabuti para sa kaniyang anak na isang “certified Daddy’s Girl”. Ngunit gayun pa man ay maayos na ang lahat sa kanila at masaya na muli ang kanilang pamilya.

Tunay nga na wala nang mas hihigit pa sa masaya at nagmamahalang pamilya. Hindi ito kayang tumbasan ng kahit gaano pa kadaming materyal na bagay o kahit gaano pa kalaking halaga ng salapi. Kung kaya naman pahalagahan natin ang ating pamilya at mga mahal sa buhay.





error: Content is protected !!