Anak nakatanggap ng email mula sa kaniyang namayapang ama kung paano niya sosorpresahin ang ina sa kanilang anibersaryo!



Ang pag-aasawa ay hindi madaling gampanin o responsibilidad. Sadyang napakaraming mga pagsubok ang iyong pagdaraanan kasama ang iyong mahal na asawa ngunit dahil na rin sa mga pagsubok na ito ay tiyak na mas magiging matatag at matibay ang inyong pagsasama.



Nakakalungkot lamang isipin na ang buhay ay talagang maikli lamang at mayroong mga pagkakataon na sa hindi inaasahang pangyayari ay mayroong isang mauunang pumanaw sa mag-asawa. Tulad na lamang ng nangyaring ito sa mga magulan ni Alyssa Mendoza.


Sampung taon na ang nakalilipas mula ng pumanaw ang kaniyang ama kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagkabigla ng nakatanggap ito ng isang “e-mail” mula sa ama. Halos dalawang araw din ang lumipas bago siya nagkaroon ng lakas ng loob na buksan ang naturang mensahe na kalaunan ay labis ding nagpaluha sa kaniya.


Ang mensahe kasi sa kaniya ng kaniyang ama ay para sa sorpresa nito sa kaniyang ina para sa anibersaryo ng kasal ng mag-asawa. Dapat sana ay ipagdiriwang ng pamilya ang ika-25 taong anibersaryo ng pag-iisang dibdib ng kaniyang mg magulang ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumisan ng maaga ang kaniyang ama.


Marahil ay batid na rin ng kaniyang ama na malapit na siyang mawala sa mundong ito kung kaya naman inayos na niya kaagad ang mga dapat asikasuhin para sa pambihirang sorpresa niya sa kaniyang minamahal. Aakalain ba ninyong naka-order na siya ng mga bulaklak hindi lamang para sa kanilang anibersaryo kundi pati na rin sa mga susunod pa nilang anibersaryo, kaarawan, at Valentine’s Day celebration!



Puti at pink ang mga bulaklak na ipinahanda ng kaniyang ama para sa kaniyang ina dahil sa puti ang isa sa pinakamakahulugang kulay para sa kanilang mag-asawa at pink naman ang paboritong kulay ng kaniyang ina. Talaga namang umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng pamilya ni Alyssa.

Wagas at tunay na pag-ibig na kailanman ay hindi matutumbas ng anumang kayamanan sa mundo.






error: Content is protected !!