College student pinagtatawanan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa pagpasok niya bilang trabahador sa isang pamilihan habang lockdown!



Ang krisis na kinakaharap ng maraming mga bansa sa mundo dahil sa pandemyang COVID-19 ay talagang nakaapekto sa maraming mga indibidwal. Maraming mga kompanya ang kinailangang magsara para na rin maiwasan ang labis na paglaganap ng nakakahawang sakit sa mga empleyado nito.


Maraming ding mga “breadwinner” ng pamilya ang nawalan ng kanilang mga trabaho dahil sa pandemya. Talaga namang napakahirap nang ganitong sitwasyon kung kaya naman marami sa atin ang mas pinili na lamang na maging madiskarte sa buhay.




Kahit mga propesyonal ay hindi na nagdadalawang-isip pang humanap muna ng ibang mapagkakakitaan habang hindi pa rin sila maaaring magtrabaho sa kanilang mga kompanya. Tulad na lamang halimbawa ng isang flight attendant na nakilala sa social media bilang si Lorrie May na isang FA ngunit nang mag-lockdown ay nagtinda na muna ng “fishball” upang kahit papaano ay masuportahan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang anak.

Mayroon din namang isang “university student” na nakatira sa Malaysia na nawalan din ng “part-time job” dahil sa krisis. Sa kabila nito ay hindi niya naisip na umaasa na lamang sa kaniyang mga magulang dahil matanda at may sakit na rin ang mga ito.




Nang malaman niyang nangangailangan ng trabahador ang kalapit nilang pamilihan ay agad itong sumubok na magtrabaho bilang isang “laborer”. Masayang masaya siya nang natanggap siya sa trabahong ito kung saan siya kumikita ng RM80 o $18.70.




Kahit pa nga ala-una pa lamang ng madaling araw ay dapat nasa palengke na siya ay hindi pa rin niya alintana ang pagod, hirap at puyat. Kahit pa nga pinagtatawanan siya ng kaniyang mga kaibigan at ibang kakilala ay hindi niya pa rin ikinakahiya ang kaniyang trabaho.


Hindi man tama ang ginawa ng kaniyang mga kaklase na ipahiya siya sa mismong Facebook group ng kanilang unibersidad dahil sa kaniyang trabaho ay hindi pa rin siya nagpaapekto dahil alam niyang tama ang kaniyang ginagawa at nakakatulong siya sa kaniyang pamilya.



“Many laughed at me, asking if I was stupid for wanting to do the job that only a migrant worker would do when I’m a university student,” Pahayag niya.






error: Content is protected !!