Isang anak ipinaayos ang bahay ng kaniyang mga magulang habang nabubuhay pa ang mga ito!



Hindi madali ang pagiging isang magulang. Talaga namang pagdaraanan mo talaga ang maraming mga pagsubok at pagsasakripisyo para lamang maibigay mo sa iyong anak ang mga pangangailangan nito mula nang siya ay ipagdalang-tao ng kaniyang ina hanggang sa kaniyang paglaki.



Kung kaya naman ganoon na lamang ang pagpapasalamat at pagrespeto ng mga anak para sa kanilang mga magulang dahil sa wagas na pagmamahal nito para sa kanila. Tulad na lamang ng pagmamahal ng isang anak na ito sa kaniyang mga magulang kung saan pinagsumikapan niyang maipaayos ang bahay ng mga ito habang sila ay nabubuhay pa.


Ayon sa post ni “uNgoza lo”, @MuziiMthembu, talaga namang itinuturing niyang isang napakagandang karanasan ang naging pagpapaayos niya sa bahay ng kaniyang mga magulang. Natupad na pangarap ang kaniyang naging paglalarawan sa kaniyang naging karanasan.


Umani naman ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang post niyang ito. Maraming mga netizens ang humanga at bumilib sa kaniya dahil sa nagawa niyang pasayahin ang kaniyang mga magulang habang nabubuhay pa ang mga ito.


Tunay nga na nagsilbi siyang inspirasyon para sa lahat ng mga anak na nararapat lamang talagang kahit papaano ay ibalik natin sa ating mga magulang ang mga sakripisyo nila sa atin habang tayo ay lumalaki. Hindi ito obligasyon o responsibilidad ngunit isang pagpapakita ng pagmamahal, pagkalinga at pagrespeto sa mga taong unang nagmahal at kumalinga sa atin.

Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens patungkol sa viral post na ito:



“Well done, bro. You’ve come a long way. I’m happy for you. It’s good to see brothers succeeding in this tough world”, pahayag ng isang netizen.

“Proud of you, not all can do this for their family”, sambit naman ng isa.

“Nice one bro! All for the love of your family!” , komento pa ng isang netizen.



“This is surreal love! Kudos to you and your parents. They raised you well” pahayag pa ng isang netizen.




error: Content is protected !!