VIRAL: “Bride” na workaholic nagtatrabaho pa rin sa gitna ng kaniyang kasal!



Ang pagpapakasal o pag-aasawa ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng buhay ng isang tao lalo na ng mga kababaihan. Isa ito sa mga pangyayari sa buhay natin na talaga namang nakakapagpabago ng buhay at pananaw ng isang tao.



Kadalasang ipinagdiriwang ang isang kasalan ng enggrande kung saan imbitado ang lahat ng taong naging parte ng buhay at pagmamahalan ng dalawang taong ikakasal. Talaga namang pinaglalaanan ito ng sapat na oras at atensyon.

Ngunit kamakailan lamang ay nagulat ang marami dahil sa tila pagiging abala masyado ng babaeng ikakasal. Naging viral sa social media ang bride na ito dahil sa tila hindi niya alintana ang kaniyang mapapangasawa sa kaniyang tabi at patuloy pa rin siya sa paggamit ng kaniyang laptop at cellphone.



Hindi naman maipinta ang mukha ng kaniyang “groom” na walang magawa kung hindi sulyapan na lamang ang pinagkakaabalahan ng kaniyang magiging misis. Nagkaroon ng sari-saring mga komento ang mga netizens patungkol dito.

Ang ilan sa kanila ay nakisimpatya sa kawawang “groom” na tila pinagsisihan na ang kaniyang desisyon. Mayroon din namang ilan na nagbiro pa para sa mga taong pagod at hirap sa kanilang trabaho, marahil ay hindi nila kayang pantayan ang dedikasyon at pagmamahal ng babae na ito sa kaniyang trabaho dahil kahit pa sa kalagitnaan ng kaniyang kasal ay pilit pa rin niyang ginagampanan ang kaniyang responsibilidad sa kaniyang trabaho.


Isa itong paalala para sa maraming mga tao na hangga’t maaari ay bigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay tulad na lamang ng ganitong selebrasyon na minsan lamang mangyayari sa buhay ng isang tao. Wala namang masamang mahalin at pahalagahan natin ang ating mga trabaho ngunit huwag din sana nating kalilimutan na maglaan ng sapat na oras at panahon sa mga mahahalagang bahagi ng ating buhay.



Hindi lamang ito nagpapakita ng pagpapahalaga mo sa iyong sarili dahil dito ay tiyak na mararamdaman din ng iyong minamahal at ng iyong mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!