Isang 17 tang gulang na dalaga, nasawi matapos na dumalo sa isang “church gathering” at nahawa ng COVID-19!



Hindi naging madali ang pakikipaglaban natin sa nakakahawang sakit na COVID-19. Maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ang talaga namang hindi nakaligtas sa naturang karamdaman.

Sa Pilipinas, patuloy pa ring lumulobo ang bilang ng mga nagpopositibo sa pandemyang ito. Sa halos tatlong buwan na pananalanta ng sakit na ito ay nagkaroon na ng napakalaking epekto hindi lamang sa ating araw-araw na pamumuhay kung hindi maging sa ekonomiya at turismo ng bansa.




Kung kaya naman patuloy pa rin tayong pinag-iingat ng ating pamahalaan at mga otoridad. Walang humpay ang kanilang pagpapaalala sa atin na palagian tayong magsuot ng “face mask” sa tuwing lalabas tayo ng ating bahay. Maliban dito ay mahigpit din nilang ipinatutupad ang “social distancing” sa maraming mga establisyemento na pinahintulutan nang magbukas upang ipagpatuloy ang kanilang operasyon.


Kamakailan lamang ay marami din ang nabahala dahil sa pagkakasawi ng teenager na ito dahil sa sakit na COVID-19. Si Carsyn Leigh Davis ay 17 taong gulang na dalagang nasawi matapos mahawa ng COVID-19 sa isang “church gathering” na kaniyang dinaluhan kasama ang 100 pang katao.

Ayon pa sa pahayag ng “Miami-Dade County Medical Examiner” ay hindi napanatili at hindi napatupad ang “social distancing” sa naturang pagtitipon. Maliban dito ay pinainom din ng kaniyang ina at asawa nito ng “hydroxychloroquine” si Carsyn nang makaramdam ito ng ilang mga sintomas.


Lingid sa kaalaman ng iba ay mayroon pa lang “complex medical history” ang dalaga dahil sa mayroon siyang “opsoclonus-myoclonus syndrome”. Hunyo 23, 2020, dalawang araw matapos siyang magdiwang ng ika-17 niyang kaarawan ay pumanaw na ang dalaga.



Maraming mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya na naulila ng dalaga. Sa kabila ng hindi magandang pangyayaring ito ay pinabulaanan naman ng kanilang simbahan ang bali-balitang “COVID party” ang naganap sa naging pagtitipon nila noon na dinaluhan ng 100 katao.

Sa ngayon ay marami sa mga taong malalapit sa dalaga ang naniniwalang ang lahat ng nangyayaring ito ay mayroong dahilan.




error: Content is protected !!