Barista na hinamak noon ng kaniyang customer, nakatanggap ng Php5 milyong halaga ng tips mula sa mga netizens!



Sa nakalipas na mga buwan ay naranasan ng marami sa atin ang hirap ng sitwasyon dahil sa pandemyang COVID-19 na kinakaharap ng maraming mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa ngayon ay halos marami na sa atin ang nakabalik sa kani-kanilang mga trabaho at dating kinabubuhay ngunit sadyang napakahirap pa ring magpakasiguro dahil sa patuloy pa ring paglobo ng mga positibong kaso ng nakakahawang sakit na ito lalo na sa ating bansa.



Dahil dito ay mas hinihigpitan pa ng mga otoridad ang pagpapatupad ng “social distancing” sa mga establisyemento at iba pang mga pampublikong lugar, hindi rin pinapayagang makalabas ng bahay ang publiko lalo na kung wala silang suot suot na “face mask” na kahit papaano ay magiging proteksyon nila mula sa COVID-19.

Kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ng isang customer na ito dahil sa kaniyang hindi magandang post sa social media patungkol sa isang barista na hindi pinayagang maka-order o makabili ang isang customer dahil sa wala siyang suot na “face mask”.






Inulan ng batikos ang customer na ito na nakilala bilang si Amber Lynn Gilles na mula sa San Diego, California dahil sa ginawa nitong panghahamak at pamamahiya sa baristang magalang na nagsabi sa kaniyang hindi siya nito maaaring payagang makabili ng inumin dahil nga sa wala siyang suot na “face mask” ng mga oras na iyon. Dahil sa hindi magandang post na ito ng netizen ay mayroong isang netizen na nakilala bilang si Matt Cowan na siyang nagmagandang-loob at nagpakita ng paghanga at pagsuporta sa barista sa pamamagitan ng pangunguna nito para sa “GoFundMe” na “Tips for Lenin Standing Up to a San Diego Karen”.




Habang sinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang higit sa $102,000 o halos Php5 milyong piso ang mga tips para sa baristang si Lenin. Tunay nga na karapat-dapat lamang na hangaan ng baristang ito dahil sa pagsunod at paggawa niya ng kaniyang responsibilidad sa kaniyang trabaho.






error: Content is protected !!