Isang Beauty Queen walang kaarte-arteng naglalako ng “Siakoy” upang kumita ng pera sa gitna ng pandemya!



Mayroong isang magandang dalaga ang naging usap-usapan kamakailan lamang sa social media. Ito ay dahil sa pambihirang diskarte nya lalo na sa gitna ng pandemyang COVID-19 na hanggang sa ngayon ay nagpapahirap pa rin sa maraming mga Pilipino at iba pang bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Siya ay nakilala bilang si Monika Afable. Maaaring isa siyang beauty queen ngunit hindi ito naging hadlang upang magtinda at mag-alok siya ng mga “Siakoy” upang kumita ng pera sa gitna ng pandemya.




Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon ang kwentong ito ni Monika sa social media. Ibinahagi ng kaniyang kaibigan na si Sisa Balan ang larawan ng Sinulog Festival Queen 2020 na si Monika Afable na naglalako ng “Siakoy” sa kaniyang mga kapitbahay sa Borongan City, Eastern Samar.


Ngunit hindi katulad ng kaniyang mga magagarang kasuotan noon sa mga beauty pageants na kaniyang sinasalihan ay simpleng mga damit lamang ang kaniyang suot. Hindi rin siya nakatakong o nakasapatos dahil nakasuot lamang siya ng tsinelas bilang pangyapak.


Sa isa pang post ng Facebook page na Pageanthology-101 Philippines, inilarawan nila si Monika isang mapagpakumbabang dalaga. Tunay nga na walang masamang maglako o magtinda upang kumita lalo na sa panahon ngayon na marami ang hirap sa buhay at nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.


Wala ring masama sa ganitong klase ng hanap-buhay dahil sa disenteng trabaho ito. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens patungkol sa pagiging madiskarte at hindi maarte ng beauty queen na si Monika:


“Hindi lang sya maganda sa panlabas, magandang ehemplo pa sya sa mga kababaihan at kabataan,” pahayag ng isang netizen.

“This should be a motivation to other youth out there who are so famous on social media but fa!led to help their parents amidst this crisis. This lady is such an inspiration.” komento pa ng isang netizen.






error: Content is protected !!