Isang Tahong vendor labis na hinahangaan ngayon dahil sa pagsosoli nito ng P15 milyong halaga ng “manager’s check”!



Ang pambihirang katapatan ng “tahong vendor” na ito ay labis na hinangaan ng maraming mga Pilipino. Sa kabila kasi ng kahirapan at pagsubok na dinaranas natin sa ngayon ay nanatili pa ring matapat ang lalaking ito.



Marami ang nagulat nang isauli ni Marlon Tanael ang isang manager’s na nagkakahalaga ng P15 milyong piso sa Treasurer’s Office ng Imus City. Natagpuan niya ito sa loob ng isang bag na tila nahulog sa daan malapit sa pwesto ng kaniyang tindahan.

Nagdalawang-isip siyang buksa ang naturang bag dahil sa takot na maaaring mapanganib ang laman nito sa loob ngunit nagulat siya ng makita ang laman nito na isang “brown envelope”. Hindi na nagdalawang-isip pa ang Tahong vendor na isauli ito sa otoridad kung kaya naman nagtungo siya agad siya sa Treasure’s Office ng kanilang bayan.


Bukas sa kalooban ni Marlon ang pagsasauli niya sa napulot niyang bag at sa laman nitong “manager’s check”. Naisauli naman ito sa tunay na nagmamay-ari na si Gramwil Mark Pango ng “Property Company of Friends, Inc.”



Nakatanggap din naman ng papuri si Marlon mula sa kanilang lokal na pamahalaan na siyang nagbahagi ng kaniyang napakaganda at kahanga-hangang ginawa sa social media. Maraming mga netizens ang talagang bumilib sa kaniyang ginawa.


“The City Treasurer’s Office of Imus would like to express our deepest gratitude to Sir Marlon Tanael for finding and returning a Manager’s check worth 15 million. The check was later handed over to Sir Gramwil Mark Pango, a representative of Property Company of Friends, Inc. Again, thank you sir! God bless and MABUHAY PO KAYO!” Pahayag ng kanilang lokal na pamahalaan sa social media.

Nakatakdang magkaroon ng “courtesy call” si Marlon kay Imus Congressman Alex “AA” Advincula at sa kaniyang anak na si Imus Councilor AJ Advincula sa Imus Congressional District Office. Tunay nga na sa kabila ng napakaraming pagsubok na ating pinagdaraanan ay mayroon pa rin palang mga taong katulad ni Marlon na hindi natitinag sa napakalaking halaga ng salapi bagkus ay mas nanaisin pa rin niyang isauli ito sa tunay na nagmamay-ari dito.




error: Content is protected !!