Mariel Padilla sinubukan ang “Switch Lives Challenge” at nakipagpalit ng trabaho sa kanilang kasambahay sa loob ng isang araw!



Marami tayong mga hinahangaang artista at personalidad sa harap ng kamera. Hindi lamang dahil sa nakakamangha talaga ang angkin nilang kagandahan o kagwapuhan o di kaya naman ay mayroon silang balingkinitan at matipunong pangangatawan kung kaya natin sila iniidolo.



Maliban kasi sa husay nila sa kanilang mga larangan ay napapatunayan din nating maganda rin ang kanilang mga kalooban. Tulad na lamang halimbaw ng dating “It’s Showtime” host at aktres na si Mariel Padilla.

Marami ang labis na humahanga sa kaniya ngayon dahil sa kaniyang mga ginagawang vlogs na halos patungkol lahat sa pagiging isang mabuting asawa at ina sa kaniyang pamilya. Isa na nga sa pinakapaboritong vlogs ng kaniyang mga tagahanga ay ang kanilang “Switch Lives Challenge” ng isa sa kaniyang mga kasambahay.



Sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 690,000 na mga subscribers. Marami ang natuwa sa pakikipagpalit niya ng buhay o trabaho sa kanilang kasambahay na si Edna.
Si Edna ay kasambahay nila Mariel at tagaluto ng halos siyam na taon. Umani naman ng napakaraming reaksyon at komento mula sa mga netizens ang video na ito ni Mariel.


Ilan sa mga ginawa niya para kay Edna ay ang pagsagot sa tawag nito, paghahain ng pagkain, pagmamasahe at marami pang iba. Ayon sa ilang mga netizens, noon ay inakala nilang sosyal at maarte ang host ngunit nang magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya at mga anak ay talagang mas naging responsable, maalaga at napakamapagmahal nito.

Hinangaan din ng maraming mga netizens ang kaniyang mabuting pagtrato lalo na sa kanilang mga kasambahay. Hindi tulad ng ilang mga sikat o mayayamang personalidad na maraming limitasyon lalo na kung tungkol sa trabaho sa loob ng bahay ang pinag-uusapan, tila mas itinuturing nila Mariel na kapamilya ang kanilang mga kasambahay.

Kung kaya naman talagang mas marami pa ang humahanga at nagmamahal kay Mariel at sa kaniyang buong pamilya.




error: Content is protected !!