Heart Evangelista ipinagmalaki ang mga produkto ng Sorsogon na gawa sa Pili nuts!



Pinagpala ang bansang Pilipinas lalo na pagdating sa mga likas na yaman, magagandang tanawin at sa mga produktong dito lamang matatagpuan sa bansa. Marami tayong mga lokal na produkto na talaga namang matibay at maihahalintulad sa mga mamahaling produktong minsa ay inaangkat pa natin mula sa ibang bayan.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Heart Evangelista sa publiko ang nakakamanghang mga produktong gawa sa Pili nuts. Pili ang isa sa pinakasikat na produkto ng Sorsogon, bukod sa masarap ito ay marami pang maaaring gawin mula sa mga ito tulad na lamang halimbawa ng mga kurtina, bag at ilan pang mga pang-dekorasyon sa bahay.




Nais ng aktres na isulong ang mga nakakamanghang yaman ng Sorsogon kung kaya naman ninais niyang tumuklas pa ng mga produktong gawa sa Pili nuts. Sa kaniyang social media account ay ipinasilip din niya kung paano niya sinasaliksik at inaaral ang mga ito.


Narito ang naginh caption niya sa kaniyang post, “Pili is the gem of Sorsogon. You can do so much with it!”
Sa isa pang post ay ipinasilip naman niya ang kurtinang gawa sa Pili nuts. Ayon sa aktres ay napakasaya niyang matapos ang proyekto niyang ito at dahil sa maraming Pili nuts sa Sorsogon ay naisipan na niyang gamitin ito.


Hindi rin nakalimutan ng aktres na ibahagi sa publiko ang kaniyang pananabik na maipakita sa marami ang kalalabasan ng kanilang proyekto. Mayroon pa siyang larawan kasama ang kaniyang kaibigan na nagtuturo sa kaniya kung paano niya masisimulan at magagawang mas kapaki-pakinabang pa ang mga Pili nuts na ito.

Hinangaan din ng publiko si Heart dahil sa pagnanais nitong mapaunlad ang mga kilalang produkto ng pinamamahalaang probinsiya ng kaniyang mister na si Gov. Chiz Escudero


“Wow tatak local, gawang Pinoy. Thanks Miss Heart for patronizing Sorsogon handmade products.” Komento ng isang netizen.


“I really like pili nuts and pili shell so hard and strong. Quality bags talaga. I miss Matnog, Sorsogon Bicol.” Pahayag pa ng isang netizen.






error: Content is protected !!