Dalawang “Lysol product” inaprubahan na sa USA na pampuksa ng COVID-19!



Halos ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang maranasan ng maraming mga bansa sa buong mundo ang pamiminsala ng pandemyang COVID-19. Talaga namang naging matinding pagsubok para sa ating lahat ang nakakahawang sakit na ito.


Sa halos tatlong buwang “lockdown” ay maraming mga Pilipino ang nawalan ng mga trabaho at mapagkakakitaan na tanging inaasahan nila upang masuportahan ang kanilang mga pamilya. Ilan negosyo na rin ang kinailangang magsara nang pansamantala para lamang maproteksiyunan pa ang kanilang negosyo habang ang iba naman ay wala nang nagawa pa kung hindi magsara na ng tuluyan dahil sa pagkalugi.

Nakakalungkot mang isipin ngunit marami ding nasawi at patuloy pa ring nakikipaglaban sa naturang sakit. Kung kaya naman naging napakagandang balita talaga para sa publiko ang balitang ito na mayroong nang naaprubahang produkto na maaaring makapuksa sa COVID-19 virus.


Dalawa sa mga produkto ng “disinfectant brand” na “Lysol” ay napatunayang nakakapuksa ng SARS-CoV-2. Environmental Protection Agency (EPA) mismo ng Estados Unidos ang nagsertipika dito.
Ayon sa kanila ay napatunayang nakakapuksa talaga ng COVID-19 virus ang mga produktong ito mula sa bakal, plastik, glass at maging sa mga kahoy. Ang dalawang produkto ng “Lysol” na ito ay ang “Lysol Disinfectant Spray” at “Lysol Disinfectant Max Cover Mist”.

Pumasa sa “criteria” ng EPA ang dalawang mga produkto na ito makalipas ang ilang mga laboratory tests na kanilang isinagawa. Ayon sa kanilang maging pag-aaral ay napupuksa ng mga ito ang naturang virus makalipas lamang ang dalawang minuto.




Marami mang mga produkto ang binebenta ngayon sa merkado na diumano ay makakatulong upang makaiwas sa naturang pandemya ang dalawang Lysol products lamang na ito clinically-tested ng EPA. Mabibili sa Pilipinas ang mga produktong ito sa halagang Php500 na nasa 510 grams na bottle spray.


Maaari nitong makabili sa ilang mga botika, grocery store, supermarket, at online shops. Tunay nga na sa panahon natin ngayon, mas mabuti nang nag-iingat at pinapanatili natin ang kalinisan sa loob man o labas ng ating tahanan upang maprotektahan ang ating mga sarili lalo na ang ating mga mahal sa buhay.




error: Content is protected !!