Mga kilalang personalidad sa Pinas noong kanilang kabataan!



Maraming mga kilalang personalidad sa industriya man ng show business o sa pulitika ang hinahangaan ng maraming mga Pilipino hanggang sa ngayon. Maaaring ang ilan sa kanila ay pumanaw na habang ang iba naman ay patuloy pa ring nagiging inspirasyon sa publiko. Narito ang ilan sa kanilang mga larawan noong kanilang kabataan.

Francis Magalona




Si Francis Michael Durango Magalona o mas nakilala ng marami bilang si Kiko, Francis M, “Master Rapper”, “The Man From Manila”, “The Mouth, at “The Filipino King of Rap”. Siya ay isang rapper, songwriter, entrepreneur at television personality. Ang kaniyang pagkawala dahil sa matinding karamdaman ay talagang ikinalungkot ng buong bayan.

Michael V.



Si Beethoven Michael del Valle Bunagan o mas sumikat sa pangalang Michael V. ay 50 taong gulang na aktor, komedyante, at recording artist. Siya ay madalas na mapapanuod sa “Bubble Gang” at sa “Pepito Manaloto”. Labis na hinangaan ng publiko ang pambihira niyang husay at galing sa larangan ng pagpapatawa, paghohost, at pag-arte. Hulyo 2020 lamang nang ibahagi niya sa kaniyang YouTube channel na nagpositibo siya sa COVID-19.

Tito Sotto



Vicente “Tito” Castelo Sotto III o mas nakilala natin bilang si Tito Sen ay isang kilalang pulitiko, mang-aawit, host at komedyante. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang matapat at responsableng pagseserbisyo sa bayan. Siya ay 70 taong gulang na.

Vic Sotto




Ang 66-anyos na si Marvic Valentin Castelo Sotto Sr. o si Vic Sotto ay batikang host, komedyante, at mang-aawit. Hindi lamang siya mahusay umarte dahil sa isa rin siya sa pinakatalentadong aktor sa industriya ng show business.

Joey de Leon


Si José María Ramos de León Jr. o Joey de Leon ay 73 taong gulang na aktor, komedyante, host at songwriter. Itinuturing din siyang henyo ng maraming mga Pilipino at isang talentadong artista.

Kris Aquino




Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, mas kilala bilang si Kris Aquino ay 49 na taong gulang na batikang host, aktres, producer, product endorser at businesswoman. Siya ang tinaguriang “Queen of All Media” sa bansa.

Erap Estrada


Si Jose Marcelo Ejercito o mas nakilala ng mga Pilipino bilang si Joseph Ejercito Estrado ay 83 taong gulang na pulitiko at dating aktor. Naging kontrobersiyal man ang naging “impeachment” sa kaniya noong siya ay presidente pa lamang, nakapagpatuloy pa rin siya sa pulitika hanggang sa ngayon.

Fidel V. Ramos


Si Fidel Ramos o si FVR ay 92 taong gulang na pulitiko at retiradong heneral. Siya ang ika-12 presidente ng bansa na nakapaglingkod myla 1992 hanggang 1998.

Juan Ponce Enrile


Si Juan Furagganan Ponce Enrile Sr. ay 96 taong gulang na isang pulitiko at abogado. Talaga namang ginagalangat hinahangaan ng publiko ang pambihira niyang pagsisilbi sa bayan noon at ngayon.

Risa Hontiveros


Si Ana Theresia “Risa” Navarro Hontiveros-Baraquel o si Risa Hontiveros ay isang puilitko, community leader at journalist. Isa siya sa pinakahinahangaang babae ngayon lalo na sa larangan ng pulitko.

Mar Roxas


Si Manuel Araneta Roxas II o mas nakilala ng publiko bilang si Mar Roxas ay isang pulitiko na nagsilbi na rin bilang isang senador ng bansa. Apo siya ng dating presidente ng Pilipinas na si Pres. Manuel Roxas.

Joma Sison


Si Jose Maria Canlas Sison o si Joma ay isang Pilipinong manunulat na siyang nagtatag ng “Communist Party of the Philippines”. Nakilala siya sa pagpapahayag ng mga teoryang Marxism-Leninism-Maoism patungkol sa kasaysayan ng ating bayan at maging sa kasalukuyang estado ng ating komunidad.

Gloria Macapagal Arroyo


Si Maria Gloria Macaraeg Macapagal-Arroyo ay isa rin sa mga hinahangaan sa bansa dahil sa pagiging babaeng pulitiko nito. Isa siya sa mga kababaihang nakahawak ng ilan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan tulad na lamang ng “Speaker of the House”, “Vice President”, at “President”. Siya ang ika-14 na Presidente ng Republika ng Pilipinas mula noong taong 2001 hanggang 2010.




error: Content is protected !!