Pastor Quiboloy nakikisimpatya ngayon sa sinapit ni Vice Ganda at nang iba pang empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho!



Si Apollo Carreón Quiboloy o mas nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Pastor Quiboloy ay ang 70 taong gulang na founder at lider ng Restorationist church na “Kingdom of Jesus Christ”. Ayon sa kaniya ay siya diumano ang “The Appointed Son of God” at “The Owner of the Universe”.


Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang naging paghamon sa kaniya ng batikang komedyante na si Vice Ganda. Maraming naging maiinit na pahayag ang Pastor laban kay Vice dahil sa ginawa nitong katatawanan noon ang pagpapahinto ng lindol.



Kamakailan lamang ay nagpahayag naman siya ng simpatya kina Vice at sa iba pa nitong mga katrabaho sa ABS-CBN network na tuluyan nang nawalan ng mga trabaho. Ayon sa ilang mga ulat ay sinabihan nito ang kaniyang mga tagasunod at kapwa niya mananampalataya na ipanalangin ang ang komedyante kasama ng ilan pang mga empleyadong nawalan ng kanilang mga trabaho dahil sa nangyari sa kanilang istasyon.

Marami ang nasorpresa sa naging pahayag na ito ng Pastor dahil sa naging mga pahayag niya noon sa “It’s Showtime” host.


“Well, natapos na yun at nangyari na yung nangyari. I think, naka-learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari. Ngayong nandiyan sila sa sitwasyong ganyan, huwag na nating ipagdiinan sila. Ang dapat nating gawin ay idalangin si Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan.” Komento ni Pastor Quiboloy.


“Alam ninyo, mahirap mawalan din ng trabaho. At kailangan din namang humarap tayo sa batas sapagkat ang batas ang siyang nagtatanggol sa atin, puprotekta sa atin. So, nangyari na nga yung nangyari, humarap na sila sa Kamara. At nahimay-himay na yun lahat,” dagdag pa niya.


Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang mga naging pahayag na ito ng Pastor. Tunay nga na isa sa pinakakontrobersiyal na pangyayari ngayon sa ating bansa ang nangyari na ito sa ABS-CBN network na itinuturing din na isa sa pinakamalaki at pinakamatagumpay na kompanya sa buong Pilipinas




error: Content is protected !!