MMDA Spokesperson Celine Pialago, isa rin palang beauty queen noon!



Maraming mga Pilipino ang talagang nahihilig sa panunuod o di kaya naman ay pagsali sa mga beauty pageants. Taong 2014 ay mayroong isang kandidatang nag-viral sa social media dahil sa nasabi nitong pagkakamali sa isa sa mga naging panayam sa kaniya patungkol sa pagkakahimatay ng isa pang kandidatang kalahok sa kompetisyon.


Ayon kasi sa Miss Earth candidate noon na si Pircelyn Pialogo ay namatay sa halip na “nahimatay” ang kapwa niya kandidata dahil sa gutom. Narito ang naging pahayag niya noon na nag-viral ng husto sa social media:



“She passed away kasi she’s really hungry. I kept inviting her to eat breakfast but she really doesn’t want to eat.” Pahayag niya. Sa halip kasi na “passed out” ang kaniyang nasabi ay “passed away” ang nagamit nitong salita. Kung kaya naman talagang pinagpiyestahan ito ng maraming mga netizens.



Lalo na at mataas ang ekspektasyon ng publiko pagdating sa angking katalinuhan, talento at kumpiyansa ng mga beauty queen aspirants. Noong nasa kolehiyo pa siya ay naging work student siya upang makapagtapos.


Natapos niya ang kursong AB Mass Communication Major in Broadcastin sa Miriam College. Ilan sa mga trabahong pinasok niya ay ang pagiging Radio DJ, pag-extra sa TV, event hosting at modeling.


Agad naman siyang nakapagtrabaho matapos niyang magkolehiyo. Naging news anchor siya sa PTV 4. Taong 2016 nang magsilbi siya bilang MMDA Spokeperson at agad na na-promote makalipas ang dalawang taon.


Ngayon ay Assistant Secretary na siya ng naturang ahensya. Nagpatuloy pa rin siya sa pag-aaral matapos nito at kumuha ng M.A. in Journalism sa Ateneo de Manila.




Hindi rin naman siya nakakalimot na magpasalamat sa lahat ng mga biyayang kaniyang natatanggap at sa mabuting pagtrato sa kaniya ng mga lider ng ahensiyang kaniyang kinabibilangan ngayon sa kabila ng pagiging isang babae niya. Maliban sa dami ng kaniyang mga naging pagsusumikap at tagumpay sa buhay ay nananatili pa rin siyang mabuti at responsableng anak.




error: Content is protected !!