Dalawang babaeng aakalain mong magkakambal sa unang tingin, nagkakilala online!



Mayroong ilang mga artikulo sa libro o sa internet ang nagsasabing malaki ang posibilidad na mayroon talaga tayong mga “doppelganger” o iyong mga taong aakalain mo talagang kakambal natin ngunit ang totoo ay nagkataon lang talaga na kamukha natin sila. Isa na marahil sa mga nakakamangha at nakakabilib na kwento tungkol dito ay ang naging viral na video ng pagkikita ng dalawang babaeng ito na talagang magkamukhang-magkamukha kahit pa nga hindi sila talaga magkapatid o magkadugo.



Ang isa sa kanila ay nakilala sa pangalang Shannon Lonergan na 21 taong gulang na. Sinubukan niyang lumahok sa “Twin Strangers” na isang website para sa mga taong naghahanap ng kanilang mga kakambal. Makalipas pa nga ang ilang buwan ay sinubukan din ito ng isa pang dalagang nagngangalang Sara Nordstorm.


Siya ay 17 taong gulang lamang at talaga namang nagulat siya ng matagpuan niya si Shannon na talagang kamukhang-kamukha niya. Nagkausap silang dalawa ay napagdesisyunan nilang magkita ng personal.

Sa Sweden naninirahan si Sara habang sa Ireland naman si Shannon. Nagkasundo silang magkita sa Dublin. Nang magkita sila nang personal sa kauna-unahang pagkakataon hindi napigilan ni Sarah na mabigla dahil sa para talaga siyang nakatingin sa salamin sa tuwing titingnan at makikita niya si Shannon.



Nakilala din naman ng ama ni Shannon si Sara at ayon sa kaniya ay hindi niya talaga malaman kung sino talaga sa kanila ang kaniyang anak dahil sa labis na pagkakamukha ng dalawa. Nagbiro pa nga ito na maaaring maging anak niya rin si Sara dahil sa hitsura nito na katulad talaga ng hitsura ng kaniyang anak.



Tunay nga na napakaraming mga bagay sa mundo ang mahirap ipaliwanag ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin naiaalis sa atin ang likas nating pagtataka patungkol sa mga misteryosong bagay na ito sa ating kapaligiran. Ikaw, nanaisin mo din bang makilala ang iyong “doppelganger”?

Source: EliteReaders




error: Content is protected !!