PRO-7 Chief nais gawing “contact tracers” ang mga tsismosang kapitbahay!



Hindi na bago sa kultura ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga tsismosang kapitbahay lalo na sa panahon ngayon. Ngunit kamakailan lamang ay naging mainit na usap-usapan sa social media ang diumano ay posibleng pagiging “contact tracers” ang mga tsismosang kapitbahay na ito upang mas maging epektibo ang pangangalap ng mga impormasyon patungkol sa mga taong nagpositibo sa COVID-19 at sa mga taong nakasakamuha nila.



Si Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro, ang direktor ng Police Regional Office ng Central Visayas (PRO-7) ang nakaisip ng ideya na ito. Tinawag niya itong “Tsismoso Brigade”, kung saan nakikita nila ang posibilidad na mas mapapabilis pa ang proseso ng “contact tracing” na sinasagawa ng kinauukulan sa ngayon kontra COVID-19.


“I heard last night, what do we call this, the ‘tsismoso’ brigade. They could be a good source, sa Bulacan man yata. Sabi nila, mga tsismosa, we can ask you to help us sa atong (with our) contact tracing… instead na paglibak, naa silay maayong matabang (instead of backbiting they can do something good),” Pahayag nu Ferro sa “The Freeman” na nakabase sa Cebu.


“They could be useful. They will report to us any unusual event or situation in their vicinity. They could be of great help because they could tell us what is happening and we could immediately respond to whatever information that they could give us with regard to this health issue.” Dagdag pa nito.
Hinikayat din niya ang marami pang mga Pilipino, Sugboanon, Boholano, Ilonggo, Ilocano man at Bisaya na magtulungan lalo na sa panahon ngayon na patuloy pa rin nating kinakaharap ang pandemyang COVID-19. Dahil sa wala pa ring bakuna laban sa sakit na ito ay patuloy pa ring nagpapaalala ang pamahalaan na mas maging maingat ang maraming mga Pilipino upang hindi na dumami pa at lumaganap ang sakit na ito sa bansa.




error: Content is protected !!