Isang vlogger umani ng higit 800K views sa kaniyang vlog kahit wala naman siyang ibang ginawa sa loob ng dalawang oras!



Sa nakalipas na mga taon, marami na din sa atin ang sumusubok na maging isang content creator, YouTuber, o vlogger. Bukod kasi sa malaki rin naman ang kita dito, nagagawa mo pa ang mga hilig mo o ang mga interes mo.



Kinakailangan mo nga lang maging malikhain lalo na pagdating sa pag-iisip ng mga nilalaman ng mga gagawin mong vlogs/videos. Marami sa mga YouTubers ngayon ang kaniya-kaniya ng diskarte upang makahakot ng mga manunuod sa kanilang mga ginagawang video.

Marami sa kanila ang talagang pinaglalaanan ng oras, panahon at pera ang mga props na gagamitin at maging ang lugar na paggagawan nila ng kanilang video. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang isang vlogger na ito dahil sa literal na wala siyang ginawa sa kaniyang vlog na mahigit dalawang oras ang itinagal ngunit sa kabila nito ay umani pa rin ito ng higit sa 800,000 na mga views!


Ang galing hindi ba? Ang naturang vlogger ay walang iba kung hindi si Russell Peters na isa rin palang komedyante.
Sa mahigit na dalawang oras na pag-upo niya sa isang sulok, pagtulala sa kawalan ay umani pa siya ng ganito karaming mga views. Sa halos isang milyong views ng kaniyang viral video ay talaga namang napapa-“Sana All” na lamang ang ilan pang mga aspiring YouTubers sa panahon natin ngayon.

Marami sa mga content creator sa ngayon ang magpapatunay na hindi madali ang makakuha ng kahit isang libong views man lamang ngunit tila maning-mani ito para kay Russell dahil kahit nga wala siyang gawin sa kaniyang vlog sa mahabang oras na ito ay marami pa ring mga netizens ang nagnanais na mapanuod ang kaniyang viral video.


Tunay nga na maraming mga bagay man ang hindi natin maipaliwanag sa ngayon ngunit sadyang mayroon lang talagang mga taong pinagpapala at pinapalad na makatanggap ng ganitong klase ng biyaya at karanasan.






error: Content is protected !!