Highschool bestfriends magkakasabay na tinupad ang pangarap nilang maging doktor!



Sabi nila, kahit mga kaibigan ay nagdudulot din ng sama ng loob. Hindi lamang pala mga kamag-anak o kapamilya natin ang maaaring magdulot sa atin ng sama ng loob dahil mayroon ding ilan sa atin ang nakakaranas nang hindi magandang karanasan sa ating mga kaibigan.


Maaaring mayroon silang ginawa na hindi naging maganda ang balik sa atin at talaga namang naapektuhan tayo sa negatibong paraan. Ngunit mayroon man tayong mga ganitong karanasan ay marami pa din naman sa atin ang nagkakaroon ng magagandang alaala mula sa ating mga kaibigan.

Karamihan pa nga sa mga ito ay nagiging tunay ay subok na nating mga kaibigan sa paglipas ng panahon. Kamakailan lamang ay labis na hinangaan ng publiko ang magkakaibigan na ito.
Hayskul pa lamang kasi sila ay matalik nang magkaibigan sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez, at Jovine Martin. Ibinahagi mismo ni Joieanne ang kwento ng kanilang pagkakaibigan sa kaniyang social media account.


Ayon sa naging pahayag niya sa naturang post ay inalala niya ang masasayang mga alaala nilang magkakaibigan mula noong kabataan nila. Hindi man nila napag-usapan noon na mag-aaral sila at magtatapos bilang mga doktor ay nagulat na lamang sila na sabay-sabay silang nag-enroll at pumasok sa iisang kolehiyo.

Sa halos siyam na taon nilang pagkakaibigan na talaga namang nasubukan ang kanilang pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t-isa. Naranasan din nilang magkakaibigan ang mabigo, umiyak, at mapagod ng husto habang pinipilit nilang abutin ang kanilang mga pangarap ngunit magkakasama pa rin silang lumaban sa gitna ng mga pagsubok na ito.




Kung kaya naman ngayong nakapagtapos na sila ng med school ay labis labis ang pasasalamat nila sa isa’t-isa at maging sa kanilang mga magulang na sumuporta at nagtiwala sa kanilang kakayanan at mga pangarap. Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa determinasyon nang magkakaibigang ito.


Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng mga tunay at tapat na kaibigan kung kaya naman kung natagpuan mo na sila ay mas mabuting alagaan at mahalin mo rin sila na parang tunay mong pamilya.




error: Content is protected !!