Isang babae bigla na lamang niyakap ang isang taong grasa na nakasalubong niya sa daan!



Marami tayong nakikita o nasasaksihan na mga bagay sa ating kapaligiran na talaga namang ikinagugulat ng marami sa atin. Kadalasan pa ngang nagkakaroon tayo ng sarili nating mga opinyon at kuro-kuro sa mga bagay na ito.



Ngunit sa dinami-rami ng mga bagay na ito ay hindi natin aakalaing mayroon palang totoong kwento sa likod nito. Tulad na lamang ng patungkol sa isang babae na ito na bigla na lamang niyakap ang isang taong grasa na nakasalubong niya sa daan.




Sa umpisa ay iisipin natin hindi wasto ang ginawang ito ng babae dahil sa basta-basta na lang nito pagyakap sa taong grasa! Ngunit ang hindi alam ng marami ay mayroon pala silang koneksyon sa isa’t-isa.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang post na ito ni Ric Oliver. Ang pangyayaring nakuhanan niya ay naganap sa Pateros Latagan Night.



Ayon sa kaniyang kwento, mayroong isang taong grasa na tumabi malapit sa kanilang kinauupuan ng mga sandali na iyon. Tahimik lamang na umupo ang palaboy na lalaki habang nakatulala lamang.


Dahil sa wala naman itong ginagawang hindi maganda ay hinayaan na lamang nila at hindi na nila pinansin pa. Ilang oras pa ang lumipas ay mayroong isang babaeng dumaan sa kanilang kinauupuan.





Ilan beses pa nitong sinulyapan ang taong grasang katabi nila at talagang nagulat silang lahat ng bigla-bigla na lang nitong niyakap ang lalaking palaboy na katabi nila sabay sabing “Kuya naalala mo pa ba ako?”. Hindi maawat sa pag-iyak ang babae habang yakap-yakap pa rin ang kaniyang kapatid.

Makalipas ang ilan pang sandali ay agad nang tumawag sa kaniyang cellphone ang babae na tila kausap ang kanilang ina at sinabing “‘Nay nakita ko na po si Kuya. Hindi na po ako papasok, iuuwi ki ba siya d’yan.”


Hindi na rin napigilan pang umiyak ng lalaking palaboy. Ayon sa babae ay halos limang taon na nilang hinahanap ang kaniyang kuya na nawala pa noon sa Batangas.




error: Content is protected !!