Isang host ng BBC nag-viral online dahil sa kaniyang pagluluto ng sinaing na binanlawan niya matapos itong kumulo!



Ang bigas ang isa sa pangunahing pagkain ng maraming mga bansa lalo na sa Asya. Isa na sa mga bansang ito ang bansang Pilipinas, halos lahat ng mga Pilipino ay nakasanayan nang kumain ng bigas sa umaga, tanghali at gabi.



Minsan nga ay kahit merienda, kanin at ulam pa rin ang nagpapabusog sa marami sa atin. Para sa maraming mga Asyano, lalo na sa mga Pilipino, hindi kumpleto ang kanilang pagkain kung walang kanin sa kanilang mga hapag-kainan.



Dahil sa marami sa atin ang palaging kumakain ng kanin ay nakasanayan na rin ng maraming mga magulang na turuan ang kanilang mga anak na magsaing sa mura nilang edad. Ngunit kamakailan lamang ay naging mainit na usapin sa social media ang ginawang ito ng isang BBC host dahil sa tila hindi tamang pagsasaing niya ng bigas.

Niluto niya kasi kaagad ang bigas nang hindi man lamang niya ito hinuhugasan at pagkatapos kumulo ng kaniyang sinaing ay saka pa lamang niya ito hinugasan. Ang naturang host ay walang iba kung hindi si Hersha Patel.



Sa viral niyang video ay pinakita niya ang video tutorial kung paano makapagluto ng “egg fried rice”. Pahayag naman ng kilalang host, hinugasan niya ang kaniyang sinaing matapos nitong kumulo upang tuluyan nang mawala ng lasang harina.

Maraming mga netizens ang nakapansin na ang pagluluto na ginawa niya sa kaniyang sinaing ay tila ba pagluluto ng “pasta”. Ayon pa sa pahayag ng ilang mga netizens dapat sana ay kumuha man lamang sila ng isang Asian cook o Asian chef upang magluto ng isang Asian food.



Ngunit ayon na rin sa ilang mga artikulo ay mula sa bansang India si Hersha kung kaya naman maituturing din siyang isang Asyano. Ngunit hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa marami ang naging pamamaraan na ito ng sikat na host.

Komento pa ng ibang mga netizens, mukhang matigas pa rin ang pagkakaluto niya sa kaniyang kanin na inilagay niya sa kaniyang “egg fried rice”.





error: Content is protected !!