Alice Dixson ibinahagi sa publiko ang napakaganda niyang tahanan sa Boracay!



Napakaraming magagandang tanawin sa Pilipinas. Hindi na nakapagtatakang maraming mga dayuhan ang napapamahal sa mga lugar na ito at nagnanais na manirahan na dito.

Ilan sa mga dinadayong lugar sa bansa ng mga lokal at dayuhang turista ay ang Batanes, Palawan, Ilocos, Boracay at marami pang iba. Ngunit maliban pala sa mga turistang ito ay mayroon ding mga sikat na personalidad na nagnais na magtayo ng bahay at manirahan sa ilang nga paraisong ito.

Isa na si Alice Dixson sa mga ito. Si Jessie Alice Celones Dixson o mas hinangaan at nakilala ng maraming mga Pilipino bilang si Alice Dixson ay 51 taong gulang na Filipino-American actress, commercial model, at dating beauty queen. Isa siya sa pinakahinahangaang aktres sa bansa hindi lamang dahil sa husay niya sa pag-arte kung hindi dahil na rin sa pambihira niyang kagandahan.




Kahit sa edad na 51 taong gulang ay wala pa ring kakupas-kupas ang kaniyang kagandahan at kasexyhan. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya sa publiko ang napakagandang tahanan niya sa Boracay. Ayon sa aktres ay isa talaga siya sa mga artistang maituturing na pribadong indibidwal pa rin sa kabila ng kaniyang propesyon.


Nagdadalawang-isip pa siya na gawin ang vlog niyang ito ngunit dahil sa matagal na itong hiling ng kaniyang mga tagahanga ay itinuloy niya na rin ito sa wakas. Sa garahe pa lamang ay mapapansin na kaagad ang isang puting van at isang motorsiklong ginagamit ng aktres sa paglibot sa isla.

Maliban sa kaniyang hardin ay mayroon ding swimming pool ang aktres sa loob ng kaniyang tahanan na madalas masikatan ng araw lalo na kung umaga at tanghali. Mayroon din silang “pathway” na kung saan matutunton ang lugar kung saan makikita ang napakagandang tanawin ng isla ng Boracay.

Talaga namang hindi napigilan ng kaniyang mga tagahanga na bumilib at mamangha sa napakagandang tahanan na ito ni Alice. Sino ba naman ang hindi masisiyahang tumira sa isang paraisong tulad ng Boracay.




error: Content is protected !!