Cute at bibong pagkanta ni Baby Tali ng theme song ng Eat Bulaga, kinagigiliwan ngayon ng publiko!



Ang “Eat Bulaga” ang isa sa pinakamatagal at pinakakilalang variety show sa Pilipinas na umere sa telebisyon noon pang 1979. Mayroon namg higit sa 12,619 na mga episodes ang naiere ng naturang programa.



Sa kabila ng maraming mga pagsubok ay naging matatag ang programa sa paglipas ng panahon. Ang mga naunang host ng programa ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.

Sa ngayon ay mayroon nang marami pang mga sikat na personalidad na dumadagdag sa mahuhusay nitong mga host. Sa kasalukuyan ay pinagdiriwang na nila ang ika-apatnapu at isang dekada nilang pagpapasaya sa maraming mga Pilipino.


Dahil na rin sa selebrasyong ito ay ibinihagi ni Pauline Luna sa kaniyang Instagram ang napakacute at napakabibong video ng anak nila ni Bossing Vic na si Baby Tali. Dahil sa isang “Eat Bulaga! Baby” rin talaga siya. Kinanta niya ang theme song ng “Eat Bulaga!” sa viral niyang video na talagang nagpamangha sa publiko.


Naging madamdamin din ang naging pag-alaala ni Pauleen sa naging pagsisimula niya noon sa naturang programa. Habang buhay din daw siyang magpapasalamat sa programa dahil sa mga talentong nahubog nito at isa na siya roon.

Nagkaroon din siya ng pagkakataong makakilala ng mga mababait at magagaling na tao na kilala sa kaniya-kaniyang mga larangan. Dagdag pa ni Pauleen hindi niya malilimutan ang mga sandaling nabigyan siya ng pagkakataong mapabilang sa pamilya ng programa na ito.



Maaaring para sa marami ay simple at napakadali lamang ng pinagdaraanan ng mga tao sa likod ng programa na ito ngunit talagang dugo at pawis ang inilalaan ng bawat isa makapaghatid lamang ng isang pambihirang programa para sa mga Pilipino. Tunay nga na napakaraming natutulungan at napapasaya ng programang “Eat Bulaga!”.

 

View this post on Instagram

 

Eat Bulaga Baby 🥰

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Hindi matatawaran ang dami ng mga taong napasaya at natulungan ng programang ito na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nagiging matatag sa paglipas ng mga taon.






error: Content is protected !!