Kilalanin, bunsong anak ni Aiko Melendez na tiyak na papasa rin sa pagiging artista dahil sa angkin nitong kagandahan!



Si Aiko Melendez ay 44 taong gulang na aktres at dating pulitiko. Ang kaniyang ama na si Jimmy Melendez ay isa ring sikat na aktor noon. Habang ang kaniyang “half-brother” na si Jam Melendez ay pinasok rin ang industriya ng show business.


Maagang pinasok ni Aiko ang industriya ng pag-arte, dekada ‘80 nang mapabilang siya sa cast ng “Santa Claus is Coming to Town“ (1982). Isa sa mahuhusay na aktres at kontrabida si Aiko.




Hindi na nakapagtatakang marami siyang mga proyektong talagang tumatak sa maraming mga manunuod dahil sa pambihirang pagganap niya bilang isang kontrabida. Hindi maipagkakailang isa rin siya sa may pinakamagagandang mukha sa industriya kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami ang nabighani sa kaniyang kagandahan.


Isa na nga rito ang aktor na si Jomari Yllana. Nagtagal ng tatlong taon ang kanilang pagsasama at biniyaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang Andrei.
Tatlong taon ang lumipas at muling nagmahal si Aiko sa katauhan ni Martin Jickain. Ikinasal sila nang 2006 ngunit napawalang-bisa rin ito makalipas ang apat na taon.

Nagkaroon naman sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Marthena. Hindi man pinalad si Aiko sa buhay pag-ibig niya ay nagkaroon naman siya ng gwapo at magandang anak.




Maraming mga netizens ang nakapansin sa angking kagandahan ni Marthena dahil sa tila ba pinagbiyak na bunga sila ng kaniyang Mommy Aiko. Ilang mga netizens din naman ang nagsasabing tiyak na papasa itong isang artista o beauty queen sa hinaharap kung gugustuhin niya.


Hindi lamang maganda si Marthena dahil napakaaktibo pa nito lalo na sa kanilang paaralan. Isa kasi siyang “volleyball player” at kapansin-pansin din ang angking husay nito sa naturang isports.


Bagamat wala pang ano mang pahayag patungkol sa pagnanais ni Marthena o ni Aiko na pumasok din siya sa pag-aartista, marami nang tagasuporta at tagahanga ang dalaga.




error: Content is protected !!