Aprubado na sa maraming Asyano at kay Nigel Ng ang luto ng BBC host na si Hersha Patel!



Maaalalang umani ng napakaraming negatibong komento mula sa mga netizens ang viral video ni Hersha Patel na isang sikat na BBC host. Sa nag-viral niyang video ay makikita kung paano siya nagluto ng egg fried rice.


Tinaasan ng kilay ng mga nakapanuod ang pamamaraan ni Hersha kung paano siya magsaing. Ang proseso kasi ng kaniyang pagsasaing ay tila ba pagluluto ng “Pasta”.

Sa halip kasi na hugasan muna ang bigas bago pa man ito isalang o pakuluan ay hinintay niya na munang kumulo ang bigas at saka niya pa lamang binanlawan. Tulad ng ilang mga nakapanuod ng video ay labis ding nadismaya ang YouTuber na si Nigel dahil sa tulad ng BBC host ay isa rin siyang Asyano.


Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang labis na pagkagulat at pagkadismaya sa ginawa ng BBC host na pagsasaing lalo na at pangunahing sangkap ang kanin sa kaniyang iluluto. Halos lahat ng Asyano ay alam ang wastong pamamaraan ng pagsasaing.

Dito sa Pilipinas ay maagang tinuturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magsaing. At ngayon nga ay muli na naman silang nagkita.



Muling nagluto si Hersha ng egg fried rice na aprubado na ngayon ni Nigel. Maraming mga bansa sa Asya ang tinuturing ang bigas bilang kanilang pangunahing pagkain.



Halimbawa na lamang sa Pilipinas ay talagang hindi mabubusog ang isang Pinoy kung walang kanin sa hapag-kainan lalo na kung almusal, tanghalian at hapunan. Mayroon pa ngang ilan sa atin ang nagmemerienda pa rin ng kanin sa hapon kaysa tinapay at iba pang pagkain dahil sa mas nakakaramdam sila ng kabusugan dito.

Bilang mga Pinoy ay malaki ang pagpapahalaga natin sa mga bagay na nakagawian na natin. Kung kaya naman hindi na nakapagtatakang sa murang edad ay natututunan na rin natin ang maraming mga bagay patungkol sa ating kultura at tradisyon.




error: Content is protected !!