Erich Gonzales mamimigay ng libreng mga tablets matapos makatanggap ng Gold Play Button!



Si Erika Chryselle Gonzales Gancayco o mas nakilala ng publiko bilang si Erich Gonzales ay 29 na taong gulang na aktres at modelo. Sa edad na 14 ay napabilang siya sa reality talent search na “Star Circle Quest”.


Hinangaan din siya ng publiko dahil sa pambihirang pagganap niya sa programang “Katorse”. Hinangaan at mas lalo din siyang minahal ng publiko dahil sa kaniyang husay na ipinamalas sa “Be My Lady” at “Two Wives”.



Tunay nga na isa siya sa mayroong pinakamagandang mukha sa industriya ng show business. Hindi lamang siya isang mahusay na aktres dahil sa mayroon din siyang mapagmahal at matulungin na puso.

Kamakailan lamang ay umani ng maraming komento mula sa publiko ang kaniyang naging pahayag na mamimigay siya ng ilang tablets para sa mga deserving niyang tagahanga. Ito ay isa sa kaniyang pamamaraan upang maibalik ang suporta ng publiko sa kaniyang vlog.


Nakatanggap na kasi siya ng Gold Play Button mula sa YouTube dahil sa nagkaroon na siya ng isang milyong subscribers. Tatlong masuswerteng tao ang makakatanggap ng libreng gadget mula sa aktres.



“To celebrate this milestone with you, I’m excited to give away 3 Tablets and I will be choosing 3 lucky winners,” pahayag niya.


“To win: 1. Follow me on Facebook, Instagram and YouTube. 2. Comment down below why you want to receive the tablet and kindly include your contact details. 3. Engage in my pages! Like, Comment, Subscribe and Repost this giveaway. Open to Philippine residents only,” Pagpapaliwanag pa ng aktres.

Nito lamang nagdaang mga buwan ay ipinamalas niya ang angking kagandahan at hubog ng kaniyang katawan. Kahit pa simpleng dilaw na “two piece” lamang ang kaniyang suot ay lutang na lutang pa rin ang kaniyang kasexyhan.

Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol sa sorpresang ito ng aktres sa kaniyang mga tagasuporta. Tiyak na makatutulong ng husto ang handog niyang bagong gadget sa tatlong taong kaniyang mapipili.




error: Content is protected !!