Magkakaibigan na masayang naliligo sa isang talon, nakaranas ng biglang pagragasa at pagtaas ng tubig!



Nakalakihan na nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng oras at panahon sa ating mga kaibigan at kabarkada. Talaga namang matatakbuhan natin sila kung tayo ay may problema o di kaya naman ay kinakailangan natin ng tulong.



Tunay nga na sa hirap at ginhawa, ang isang tunay na kaibigan ay iyong maaasahan. Kahit pa nga nasa peligro ang inyong mga buhay, tiyak na hinding-hindi ka iiwanan o pababayaan ng iyong tunay na kaibigan.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang naging karanasan nang magbabarkadang ito na masayang nagtatampisaw sa isang talon ngunit hindi nila inaasahang mayroon palang mangyayaring hindi kanais-nais. Bigla na lamang kasing rumagasa at unti-unting tumaas ang tubig sa kanilang pinagliliguan.


Marami sa kanila ang nasa ligtas na lugar naman ngunit mayroon silang dalawang kaibigan na naiwan sa kabilang dulo ng talon. Sinisikap ng iba pang mga kalalakihan na tulungan ang dalawang kaibigan nila bago pa tuluyang rumagasa at tumaas ng husto ang tubig.



Ang naturang video ay ibinahagi ng “Video Collector” na mayroong caption na “Yung enjoy na enjoy ka paliligo, tapos bigla na lang may ganitong mangyayari. Mag-ingat po sana tayo sa paliligo sa mga falls, hindi natin hawak ang kalikasan sa pwedeng mangyari.”


Umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang viral video. Marami sa mga netizens ang nagsasabing hindi dapat tayo maging kampante kailanman lalo na kung tayo ay nasa labas ng ating mga tahanan, nasa bundok, sa dagat, sa ilog, sa bulkan at sa marami pang lugar dahil sa mahirap talagang kalaban ang Inang Kalikasan.

Kung kaya naman mas nararapat ding gawin natin ang tama at maging malinis sa ating kapaligiran upang kahit papaano ay makabawas tayo sa polusyon at sa pagkasira ng ating kalikasan. Wastong pag-iingat at pangangalaga sa ating kalikasan ang kailangan upang maiwasan at mabawasan ang mga ganitong klase ng insidente na madalas ay kumukuha ng mga inosenteng buhay ng ilan sa atin.




error: Content is protected !!