Kilalanin si Dennise Ysabel na anak ng batikang aktor na si Philip Salvador!



Marami tayong hinahangaang mga sikat na artista o personalidad sa bansa. Ilan sa kanila ay hinahangaan natin dahil sa angkin nilang kagandahan, kagwapuhan at magandang pangangatawan, ngunit mas marami sa kanila ang talagang iniidolo natin dahil sa pambihira nilang talento sa napili nilang larangan.


Tulad na lamang ni Philip Salvador. Si Philip Mikael “Ipe” Reyes Salvador o mas nakilala ng publiko bilang si Philip Salvador ay 66 taong gulang na aktor sa bansa.



Isa siya sa pinakasikat na aktor mula noong dekada 80 at dekada 90 hanggang sa ngayon. Bida man o kontrabida ay talaga namang pambihira ang kaniyang pagganap.


Sa katunayan ay tatlong beses na rin siyang napaparangalan sa FAMAS na isang prestihiyosong pagkilala lalo na sa mga aktor na katulad niya. Maliban sa mga award na ito ay nakatanggap pa siya ng mas maraming mga karangalan dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga pelikula at programa sa telebisyon.


Si Philip ay maaalalang nagkaroon ng relasyon sa aktres na si Kris Aquino noon kung saan nagkaroon siya ng isang anak, si Joshua. Ngunit lingid sa kaalaman ng ilan sa atin ay mayroon din siyang isa pang anak sa dati niyang kinakasama na si Vivian Dungca.



Talaga namang napukaw ang atensyon ng maraming mga netizens dahil sa angking kagandahan ng kaniyang anak na si Dennise Ysabel Salvador. Hindi maipagkakailang maganda si Dennise, tiyak na nakuha ng dalaga ang angking kagwapuhan ng ama.


Nakapagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Tourism Management sa Holy Angel University sa Pampanga. Masayang-masaya naman sina Philip at Vivian dahil sa natamong tagumpay ng kanilang anak.


Tulad ng maraming mga magulang, wala silang ibang nais kung hindi ang ikabubuti ng kanilang mga anak. Samantala, maraming mga netizens ang nagnanais na pumasok rin sa pag-aartista si Dennise.


Bukod kasi sa angkin niyang kagandahan ay mayroon din itong magandang hubog ng pangangatawan. Tiyak na marami rin siyang magiging tagahanga tulad ng kaniyang ama na si Ipe.




error: Content is protected !!