Anak ng magsasaka ipinagmalaki ang kaniyang ama sa kaniyang graduation picture!



Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay para sa mga magulang na maibigay sa kanilang mga anak. Kung kaya naman hindi alintana ng mga magulang ang hirap, pagod, at sakripisyong kanilang ginagawa para sa kanilang mga anak.



Dahil sa batid nilang makakatulong ito para sa kinabukasan ng kanilang pinakamamahal na mga anak. Kamakailan lamang ay umani ng papuri at paghanga mula sa publiko ang anak na ito dahil sa kaniyang pagpapasalamat sa kaniyang masipag na ama na naging rason kung bakit siya nakapagtapos ng pag-aaral.

Siya ay walang iba kung hindi si Ela Marfil Sullano. Ibinahagi niya ang pambihirang larawan nilang mag-ama ng siya ay nagtapos.

Nakapagtapos siya ng hayskul sa St. Vincent College of Science and Technology sa Iloilo City. Kapansin-pansin din ang maraming mga medalya at pagkilala ni Ela sa kaniyang larawan.



Hindi lamang kasi siya nagtapos sa kanilang paaralan dahil sa nakatanggap din siya ng pagkilala bilang isa sa mga “High Honors” ng kanilang batch. Sa larawang ibinahagi ni Ela sa social media ay mayroong maiksi ngunit nakakaantig siyang mensahe, ayon sa kaniya nakapagtapos siya dahil sa dugo at pawis ng kaniyang ama na isang magsasaka.


Hindi rin siya nahihiyang ipagsigawan sa buong mundo na anak siya ng isang magsasaka. Hindi man sila mayaman sa materyal na bagay, sinigurado naman ng kaniyang ama na makakaya niyang mapagtapos siya ng pag-aaral sa abot ng kaniyang makakaya.

Maaaring malayo-layo pa ang lalakbayin ni Ela at ng kaniyang ama upang makamit niya ang pangarap niyang maging isang CPA ngunit dahil sa kaniyang pambihirang pananaw sa buhay, tiyak na magiging matagumpay siya sa plano niyang ito. At kapag nakamit na niya ang kaniyang pangarap, tiyak na hindi niya makakalimutang pasalamatan at tulungan ang kaniyang ama na walang sawang sumuporta at hindi napagod na maniwala sa kaniyang mga pangarap kahit pa hirap sila sa buhay.




error: Content is protected !!