Kris Bernal at fiance na si Perry Choice hindi gusto ang konsepto ng “live-in” bago kasal!



Si Kristine Ann Tan Bernal o si Kris Bernal sa tunay na buhay ay 31 taong gulang na aktres na una nang nakilala ng publiko nang manalo ito sa ikaapat na season ng reality-based talent search na Starstruck sa GMA-7. Tumatak sa publiko ang kaniyang pambihirang pagganap sa proyekto niyang “Impostora” kung saan gumanap siya ng dual role bilang si Rosette at si Nimfa.

Tunay nga na isa siya sa pinakamatagumpay na aktres ng kaniyang henerasyon sa ngayon. At kasabay ng pamamayagpag ng kaniyang karera ay ang napakasayang buhay pag-ibig niya.


Maaalalang Pebrero 6, 2020 nang ibahagi ni Kris at ng kaniyang fiance na si Perry Choi, isang chef at businessman ang kanilang engagement. Sa tatlong taong relasyon nila ay talaga namang marami na rin silang napagdaan bilang magkasintahan.


Magkasosyo din sila sa ilang mga negosyo ng Kapuso actress. Marami ang nag-iisip na marahil ay nakatira na sila sa iisang bubong dahil sa tagal na rin ng kanilang relasyon at marahil ay komportable na rin sila sa isa’t-isa.



Ngunit nilinaw naman ng aktres sa kaniyang Instagram post na bagamat malapit na silang ikasal ng kaniyang fiance ay desisyon pa rin nilang hindi muna magsama sa iisang bubong o “mag-live in” bago pa man ang kanilang kasal. Nagbahagi din ng ilang mga larawan si Kris kung saan makikitang dumalaw sa labas ng kanilang tahanan si Perry upang ipakita sa kaniya ang bagong koleksyon niya ng funko pop toy.



Talaga namang kapansin-pansin ang kaligayahan sa mata ng magkasintahang ito na malapit na ring maging mag-asawa. Ayon sa ilang mga ulat, taong 2016 nang magtagpo ang landas ng dalawa dahil si Perry ang naging meat supplier ni Kris sa isa sa mga negosyo nito dati.


Pagsu-supply kasi ng karne at dairy products ang negosyo ng pamilya ni Perry. Masayang-masaya si Kris dahil sa tulong at gabay ng kaniyang fiance ay mas naging pursigido siya sa pagnenegosyo lalo na at ang pag-aartista ay wala din namang kasiguraduhan kung kaya naman mas mainam pa rin ang mayroong negosyo at iba pang pagkakakitaan.




error: Content is protected !!