Mga sikat na celebrities na nagdiwang ng International Dog Day kasama ang kanilang mga alagang aso!



“Dogs are men’s best friend”. Tunay nga na marami sa atin ang makapagpapatunay na isa sa pinakamasarap alagaan na hayop ay mga aso.


Likas silang malambing at mapagmahal sa kanilang mga amo. Isa rin sila sa pinakamatapat na mga hayop sa balat ng lupa.




Kahanga-hanga at walang makapapantay sa katapatan nila sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa kanila. Marahil isa na rin ito sa mga dahilan kung kaya naman ipinagdiriwang ang “International Dog Day” tuwing ika-26 araw ng Agosto.


Ayon sa ilang mga ulat ay taong 2004 nang nalikha ang espesyal na araw na ito para sa mga aso at sa mga “certified dog lovers” ng mismong founder at animal advocate na si Coleen Paige. Dahil sa isa na rin ang bansang Pilipinas sa mga bansang nagpapahalaga sa mga hayop lalo na sa mga aso ay marami ring mga Pilipino ang nakilahok sa pagdiriwang na ito.


Ilan nga sa mga sikat na artistang nagdiwang nito ay sina ay sina Kim Molina, Arci Muñoz, Sunshine Cruz, Joyce Pring, Rocco Nacino, Kathryn Bernardo at Ryza Cenon. Nagbahagi sila ng ilang mga videos at mga larawan ng kanilang mga cute na alagang aso na talaga namang mahal na mahal nila.



Ilan pa sa mga kilalang personalidad na certified dog lovers din ay sina Vivoree, Hero Angeles, Jason Abalos, Yassi Pressman, Joseph Marco, Max Collins. Sina Jodi Sta. Maria, Anne Curtis, Karylle, Soleen Heussaff, Jasmin Curtis, Sharon Cuneta, Janella Salvador, Daniel Padilla, Rita Avila, Jake Cuenca, Kylie Versoza, James Reid, Nadine Lustre, Andrea Brillantes, Matteo Guidicelli, Edu Manzano, Coleen Garcia at Sarah Geronimo ay mga certified animal lovers at pet owners din.


Tunay nga na nakakagaan ng pakiramdam at nakakatanggal ng stress ang ating mga alagang hayop kung kaya naman sana kahit hindi “World’s Dog Appreciation Day” ay palagi pa rin natin silang alagaan, mahalin at kalingain. Dahil sa ibabalik at ibabalik din nila sa atin ang pagmamahal na ipinaparamdam natin sa kanila.




error: Content is protected !!