Julia Barretto nais gumanap bilang kabit sa remake ng “World of Married Couple”



Hindi na nga maipagkakaila pa na sikat na sikat ang mga Korean Dramas ngayon sa Pilipinas. Talaga namang wala tayong pinapalangpas na magagandang istorya lalo na kung paborito nating aktor o aktres ang bida.


Dahil na rin sa pagkahilig natin sa mga palabas na ito ay hindi na natin naiwasan pang subukan at mahalin din ang kanilang kultura, mga pagkain, pananalita at kilos. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pahayag ng aktres na si Julia Barretto na gusto niyang gumanap bilang si Yeo Da-kyung kung sakaling magkakaroon man ito ng remake sa bansa.


Inamin din ng aktres na “certified K-Pop fan” siya at hilig niya talaga ang ano mang bagay na may kinalaman sa Korea. Sa naging panayam nina MJ Felipe at Bianca Gonzalez kay Julia para sa “PopCinema” ay ibinahagi ng aktres ang pagnanais niyang magampanan ang naging karakter ng Korean actress na si Han So-hee.

“‘A World of the Married Couple.’ If you guys have seen that. It’s one of the best in the world. I want to do something like that.” Pahayag ni Julia.

“But I want to be Da Kyung, the young girl. If you’ve seen it you would know. She’s the young girl there, she’s so pretty,” dagdag pa niya.



Maraming mga netizen ang natuwa at nasabik sa naging pahayag na ito ng aktres ngunit mayroon din namang ilan na mayroon negatibong komento ayon dito. Maaalalang nasangkot siya sa kontrobersiya noon dahil sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.



Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nalilimutan ng publiko ang posibilidad na isa siya talaga sa mga naging dahilan ng pagkakahiwalay ng dating magkarelasyon. Sa kabila ng mga negatibong komento na ito ay nananatili pa ring masaya at kuntento sa kaniyang buhay ngayon ang aktres na ayon din sa ilang mga ulat ay mayroong kasalukuyang karelasyon na hindi niya nais ipakilala sa publiko o kahit pangalanan lamang.




error: Content is protected !!