Kapuso actress Maine Mendoza at nobyo nitong si Arjo Atayde, masayang nagdiwang ng ikalawang taong anibersaryo nila bilang magkasintahan!



Parang kailan lang nang sumikat ang tambalang AlDub sa Pilipinas. Nakarating pa nga ang “phenomenal love team” sa iba pang mga bansa kung saan mas maraming mga Pilipino ang napamahal sa kanila.

Photo credit: Arjo Atayde instagram

Napakaraming naghintay kung magiging magkarelasyon nga sina Maine Mendoza at Alden Richards ngunit mas minabuti na lamang nang dalawa na maging magkaibigan. Ayon sa ilang mga ulat, “single” pa rin si Alden at wala pa rin siyang nagiging nobya hanggang sa ngayon habang makulay naman ang buhay pag-ibig ni Maine.

Sa wakas nga ay nakatagpo na rin ng tunay at wagas na pag-ibig ang Kapuso host at actress na si Maine sa katauhan ni Arjo Atayde na isa ring mahusay na aktor. Nito lamang ika-21 ng Disyembre ay nagdiwang sila ng ikalawang taong anibersaryo nila.

Photo credit: Arjo Atayde instagram



Nagbakasyon ang dalawa sa isang lugar kung saan makakapamahinga at makakapagrelaks sila ng husto. Naging napakatamis naman ng naging palitan nila ng mensahe sa isa’t-isa bilang pagbati sa selebrasyong ito.


Ayon kay Arjo: “I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd anniversary bubs!” Talagang marami ang kinilig sa napakasweet na mensaheng ito ng aktor para sa kaniyang minamahal na nobya.

Simple man ang naging pahayag ni Maine ay naging napakamakahulugan pa rin nito. “Happy second [heart emoji]” ang naging caption niya sa kaniyang post.

Photo credit: Arjo Atayde instagram

Sino nga ba naman ang mag-aakala na minsan ay nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan nang naging magkatrabaho sila noong 2018 sa pelikulang “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” kung saan kapansin-pansin din ang naging magandang “chemistry” ng dalawa sa harap ng kamera. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na hindi naging madali para kina Maine at Arjo ang naging pagsisimula ng kanilang relasyon.

Ngunit sa ngayon ay mababakas naman talaga sa kanilang mga mata ang tunay nilang pagmamahal para sa isa’t-isa. Kailan nga kaya ang kasalan para sa napakasweet na celebrity couple na ito?




error: Content is protected !!