Ruffa Gutierrez: “I don’t need a man to complete me.”



Ang sarap sa pakiramdam magmahal at mahalin hindi ba? Kung kaya naman marami sa atin ang patuloy na naghihintay sa kanilang “The One” habang ang iba naman ay patuloy pa ring sumusubok na matagpuan na ang taong makakasama nila habang-buhay.



Ngunit hindi lahat tayo ay mayroong ganoong kaisipan. Ang ilan kasi sa atin ay masaya naman sa buhay kahit pa wala silang kasintahan o nobyo.

Tulad na lamang ng 46 na taong gulang na si Sharmaine Ruffa Rama Gutiérrez o mas nakilala ng publiko bilang si Ruffa Gutierrez. Siya ay isang sikat na aktres, modelo at host. Ang kaniyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.



Ang kaniyang mga kapatid ay sina Elvis, Rocky, Ritchie Paul, Raymond at Richard Gutierrez. Mayroon din siyang dalawang half-brothers na sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher.


Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa publiko na hindi niya kailangan ng lalaki sa kaniyang buhay dahil masaya naman siyang maging single sa ngayon. Dagdag pa niya masaya at kuntento siya ngayon sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang dalawang anak at ang mga alaga nilang aso.


Mas nanaisin pa niyang manatiling “single” kaysa ang makuling sa isang panget at malungkot na relasyon. Ngunit kung magkakaroon pa rin siya ng pagkakataon na makatagpo ng isang lalaki nais niyang pangmatagalan na ito at tiyak na magigiing masaya silang magkasama.

“I need a man that will grow with me. I need a man that will make me feel happy. And if he doesn’t fulfill that need anymore, okay bye,” pahayag ni Ruffa.

 

Inamin din niyang natatakot na siyang magpakasal sa ngayon dahil sa mga naging karanasan niya sa dati niyang naging relasyon.

“Ayaw ko nga magpakasal ulit eh kasi ‘di ba, you have to go through an annulment again. Tapos marami akong nakikitang marriages na parang they are just with their partners because for the kids, just to make it work,” dagdag pa niya.Ipinahayag ni Ruffa Gutierrez na masaya siyang single at hindi niya kailangan ng isang lalaki upang maramdamang kumpleto siya.




error: Content is protected !!