Angel Locsin pinabulaanan ang tsismis na hiwalay na sila ng fiancé niyang si Neil Arce!



Sa panahon natin ngayon na marami nang makabagong mga kagamitan at gadgets, mas marami nang mga tao ang mayroong “access” sa internet at sa social media, napakarami na ring nagbago sa ating pamumuhay at sa araw-araw nating mga ginagawa.



Marami din namang naging magandang dulot ang modernong pamumuhay at teknolohiya natin sa ngayon sa ating lahat ngunit nakakalungkot lamang malaman na marami na ding mga taong mapagsamantala sa kanilang kapwa makuha lamang ang kanilang gusto.


Halimbawa na lamang ang mga nagkalat na “fake news” sa iba’t-ibang social media platforms. Hindi ito nakakatulong lalo na sa mga taong laman nito tulad ng mga sikat na artista at personalidad.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres na si Angel Locsin ang kaniyang pagkadismaya dahil sa kumakalat na tsismis na hiwalay na sila ng kaniyang fiancé na si Neil Arce. Maaalalang nasorpresa ang publiko nang ilantad nila ang tunay nilang relasyon at ibinahagi nila sa publiko ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Ayon sa naging pahayag ng aktres, hindi niya akalaing mayroong mga taong gagawa ng ganito para lamang sa kanilang personal na benepisyo. Hindi rin niya batid ang dahilan kung bakit kailangang gumawa ng mali at hindi tamang balita patungkol sa kaniya at sa kaniyang fiancé.


“Oh wow. Can’t believe some people would stoop this low. Why do some people make this much effort to put me in a bad light? That is the question?” Pahayag ni Angel.



Dagdag pa ni Angel ay huwag raw basta basta maniwala sa mga ganitong balita dahil sa patuloy na nagiging matatag ang kanilang relasyon ng kaniyang minamahal. Nagkomento din naman si Neil patungkol dito na tila natatawa na lamang dahil sa muntik na siyang mabiktima ng “fake news” buti na lamang daw at hindi Neil Arci ang kaniyang pangalan.

Marami sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta ang nagkomento sa post na ito at nagpabatid ng kanilang pagmamahal at pagsuporta sa magkasintahan na kilala rin dahil sa mabubuting nilang kawang-gawa sa maraming mga nangangailangang Pilipino.




error: Content is protected !!