Pahayag ni Andrea Torres patungkol sa usap-usapang live-in na sila ni Derek Ramsay: “Gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama.”



Si Andrea Elizabeth Eugenio Torres o mas nakilala ng publiko bilang si Andrea Torres ay 30 taong gulang na aktres, host, dancer, underwear designer, at commercial model. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pagiging mahusay niyang aktres na mayroong maamong mukha at napakagandang katawan.



Halos mag-iisang taon na rin ang nakararaan ng sorpresahin niya ang marami niyang mga tagahanga nang aminin niya at gawin nilang opisyal ni Derek Ramsay ang kanilang relasyon. Marami ang kinilig sa naging pagsisimula ng relasyon nilang dalawa buhat ng magkasama sila sa isa sa kanilang mga ginawang teleserye noon.

Kamakailan lamang ay pinabulaanan ni Andrea ang mga usap-usapan patungkol sa diumano ay nagsasama na sila ng kaniyang nobyong si Derek sa ilalim ng iisang bubong. Ayon sa aktres, nais niya muna talaga ang basbas ng Diyos bago sila tumira sa iisang bahay.


“I respect yung mga nagli-live in. Pero sa sarili ko lang na paniniwala, gusto ko may basbas ng Diyos bago kami magsama talaga sa isang bahay.” Pahayag ni Andrea.


Inamin din ng Kapuso actress sa isa sa kaniyang mga naging interview na madalas siyang dumadalaw sa bahay ng kaniyang nobyo ngunit hindi ibig sabihin nito ay naglilive-in na silang dalawa. Maging ang aktor na si Derek ay itinanggi na rin ang mga tsismis na ito patungkol sa kanilang magkasintahan.

Kitang-kita naman ang kaligayahan at pagmamahal sa kanilang mga mata kung kaya naman hindi na nakapagtatakang balang araw ay mauuwi rin ang kanilang relasyon sa kasalan. Hindi na makapaghintay pa ang kanilang mga tahanga ngunit sa ngayon ay nais na muna nilang maging masaya sa kung anong mayroon sila sa ngayon.



Sa pinakabagong vlog ni Derek ay ipinasilip niya sa publiko ang napakaganda niyang bahay. Ayon sa kaniya ay maraming naging pagbabago sa ipinapagawa niyang bahay mula nang pumasok sa buhay niya si Andrea.

Sa ngayon kasi ay mayroong mga parte sa kaniyang bahay ang inilaan niya talaga sa kaniyang nobya halimbawa na lamang ang magiging munting hardin ni Andrea sa loob ng kaniyang bahay. Maging sa ilang mga kasangkapan at kagamitan sa bahay ay hinihingi din ni Derek ang kaniyang opinyon. Talaga namang nakakakilig hindi ba?




error: Content is protected !!