Vice Ganda, inaming labis siyang nasaktan noon dahil sa pangungutya ng iba na mukha siyang kabayo!



Marami sa atin ang nakakaranas ng diskriminasyon, pangungutya at panlalait ng iba dahil lamang sa ating mga hitsura, paniniwala o mga nakaugalian. Sa paglipas ng panahon ay tila ba mas maraming mga tao ang nagagawang magsabi ng hindi magagandang salita patungkol sa kanilang kapwa at karamihan pa nga sa mga ito ay wala nang pinipiling edad o estado sa buhay.



Tulad na lamang halimbawa ng ginawang pag-amin kamakailan lamang ni Vice Ganda sa naging panayam sa kaniya ng PEP.ph patungkol sa mga naranasan niya noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng show business. Ayon sa naging pag-amin ng sikat na komedyante talagang nasaktan siya noon dahil sa mga masasakit na mga salita ng mga tao na nagsasabing mukha siyang kabayo.


Talagang hindi niya maiwasang malungkot at masaktan sa mga salitang naririnig niya sa mga tao dahil lamang sa kakaiba niyang hitsura. Ngunit kalaunan ay napagtanto niyang, tunay nga ang sinasabi nila.

Dahil sa napakapayat niya noon, maitim at wala pang malaking kinikita upang mas maalagaan niya ang kaniyang sarili aminado siyang totoo ang sinasabi ng mga tao sa kaniya kahit pa nga panlalait at pangungutya lamang ang lumalabas sa kanilang mga labi. Ngunit sa halip na magmukmok at mawalan ng gana sa buhay tila ba mas naging determinado siyang maabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay at maging matagumpay.


Dahil dito ay naisipan niyang gawing materyal sa kaniyang trabaho na pagiging isang stand-up comedian ang pagiging isang “mukhang kabayo”. Nakilala pa nga siya bilang Vice Kabayo.



Dahil dito ay mas maraming mga tao ang natuwa at humanga sa galing niyang magpatawa. Nabigyan rin siya ng maraming mga proyekto hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa mga pelikula.

Taong 2009 ay naging isa siya sa mga host ng “It’s Showtime”, 2010 ay naipalabas ang kaniyang kauna-unahang pelikula na pinamagatang “Petrang Kabayo”. Buhat noon ay nagsunod-sunod na ang mga magagandag proyekto na ipinagkakatiwala sa kaniya.

Ilan sa mga ito ay ang “The Unkabogabol Praybeyt Benjamin” (2011), “Sisterakas” (2012), “Girl Boy Bakla Tomboy” (2013), “The Amazing Praybeyt Benjamin” (2014), “Beauty and The Bestie” (2015), “Super Parental Guardians” (2016), “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” (2017), at “Fantastica” (2018). Marami na rin siyang natanggap na mga parangal at pagkilala dahil sa mahusay niyang pagganap sa mga ito.






error: Content is protected !!