Mga anak nagulat sa itinagong pamana ng kanilang ina para sa kanila na apat na taon nang patay!



Kailanman ay hindi naging madali ang kalungkutan at paghihinagpis na dulot ng pagkawala o pagpanaw ng isang minamahal. Hindi simple ang sakit na mararamdaman ng mga pamilya at mahal sa buhay na maiiwan ng mga taong pumanaw na.



Ngunit sa kabila nito ay magsusumikap pa rin ang mga itong magpatuloy sa buhay. Sabi ng marami, paglipas ng maraming mga taon ay makakalimot na din ang mga pusong naulila at nasaktan ngunit ang hindi nila alam ay nasasanay lamang sa sakit at kalungkutan ang mga ito sa paglipas ng panahon.


Maraming taon man ang lumipas ay hindi pa rin talaga mababaon sa limot ang pighati at pangungulila ng mga naiwan. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang kwentong ito ng magkakapatid na hindi inasahang mayroon palang iniwang pamana para sa kanila ang pumanaw nilang ina.


Ang Facebook user na si Tim Salonga ang siyang nagbahagi nito sa kaniyang social media account. Nang minsang ipinauwi nila sa kanilang mga tiyahin ang ilang mga damit ng kanilang ina ay nakakita sila ng isang liham, Php5,000, tatlong mga singsing, at isang pares ng hikaw sa bulsa ng isa sa dalawang mga damit na nakahanger pa.


Narito ang lamang ng iniwang liham ng kanilang ina para sa kanilang magkakapatid:



“Para sa pag-aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang-negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila at may tatlong singsing ito at isang pares ng ikaw (hikaw). Paunlarin niyo ang konting pamana ko sainyo. Salamat mga anak. Mama”

Inakala nilang ito na ang munting pamana ng kanilang magulang para sa kanila ngunit mayroon pa pala itong itinago sa ilalim ng luma nilang makina. Doon ay nagulat sila nang makita nila ang naipon na pera ng kanilang ina at mayroon din ditong passbook.

Ayon sa naging pahayag ni Tim ay hindi nila nakitang bumili ng kahit anong luho ang kanilang ina para sa sarili nito noong nabubuhay pa siya. Talagang labis labis ang kanilang pasasalamat dahil sa biyayang ito na natanggap nila at sa pagmamahal ng kanilang ina na kahit pa ilang taon nang sumakabilang-buhay ay hindi pa rin sila pinabayaan nito.






error: Content is protected !!