Baron Geisler napakalaki na ng pinagbago mula ng maranasan niyang maging isang “first time daddy”!



Magulo ang mundo ng show business. Maraming mga intriga, mga paninira at panghuhusga ngunit marami pa rin naman ang nangangarap na balang araw ay makakapasok sila sa industriyang ito.


Ngunit bakit nga ba mayroong mga tao na kapag naging matagumpay na bilang isang artista ay tila ba nakakalimot na sa mga taong minsang tumulong sa kaniya? Nagiging mapagmataas, mayabang, bastos at walang modo.

Ito ang mga salitang naglalarawan noon sa kilalang aktor na si Baron Geisler. Talaga namang napakahusay niyang gumanap lalo na kung siya ang kontrabida sa isang programa sa telebisyon o pelikula.
Ngunit sa kabila ng mga tagumpay na nakamtan niya noon dahil sa kaniyang kasikatan ay hindi naging maganda ang pakikitungo nito sa mga tao sa kaniyang paligid. Naging dahilan ito upang kailanganin niya ang tulong ng ilang mga doktor at espesyalista lalo na nang malulong siya sa alak at iba pang bisyo.


Ngunit ngayon, makalipas ang masalimuot na yugto ng kaniyang buhay ay marami na siyang nais ipagpasalamat sa Diyos. Unang una na ang pagbabagong buhay niya, ang pagdating ng kaniyang misis na si Jamie Marie Geisler at ng anak nilang si Talitha Cumi sa kaniyang buhay.




Enero 20, 2020 nang ipanganak ni Jamie si Talitha. Sa ngayon nga ay malapit na siyang mag-siyam na buwang gulang at talagang proud na proud sina Baron sa kanilang cute na cute na anak.



Taliwas sa mga karakter niya bilang isang badboy sa ilang mga proyekto niya, hands-on daddy naman siya ngayon sa kaniyang baby. Nagpahayag din ang aktor ng kaniyang saloobin patungkol sa kasabihan na ang mga anak na babae ang “bayad utang” para sa nagawang kamalian ng kanilang ama noon.
Ayon kay Baron, nagbago na siya ngayon kung kaya naman tiyak na maiiba na rin ang tadhana ng kaniyang mahal na anak. Talaga namang labis siyang hinangaan ng maraming mga netizens dahil sa naging pagbabago niyang ito.

Sadyang napakalaking pagpapapala ang buhay na mayroon siya sa ngayon.




error: Content is protected !!