Coleen Garcia nagbahagi ng ilang mga larawan na nagpapakita kung gaano kasipag ang kaniyang mister sa pag-aalaga ng kanilang anak!



Hindi biro ang maging isang magulang. Kapag ikaw ay naging isang ina na mahirap nang bumalik sa dati mong nakasanayang buhay bilang isang dalaga.

Tila ba bawat galaw at bawat paghinga mo ay hindi ka na iisang tao lamang dahil sa mayroon nang nakadepende sa iyong sanggol. Mahirap ang magbuntis o magdalang-tao, gayundin naman ang mismong panganganak ngunit mahirap din pala ang mag-alaga at magpalaki ng isang supling.



Ngunit sa kabila ng mahirap na sitwasyong ito, kahit pagod at puyat, tiyak na marami pa ring mga kababaihan ang nagpapasalamat dahil sa nagkaroon sila ng pambihirang pagkakataon na maging isang ina. Kung akala natin, pagiging ina lang ang mahirap gampanan, tila nagkakamali tayo.


Dahil sa hindi rin naman madaling maging isang ama. Batid naman nating ang mga ama o ang mga haligi ng ating tahanan ang siyang nagsusumikap at nagtatrabaho para sa araw-araw na gastusin ng pamilya.

Gayundin naman ay nagsusumikap din silang makapagpundar ng bahay at iba pang ari-arian para sa pamilyang kaniyang itinataguyod kasabay pa ng pagpapaaral ng kaniyang mga anak. Kamakailan lamang, pinuri ng publiko ang “International R&B Sensation” na si Billy Crawford dahil sa pagiging hands-on nito sa anak nila ng kaniyang misis na pinangalanan nilang Baby Amari.


Proud na proud naman si Coleen na ibahagi sa kaniyang social media account ang ilang mga larawan ng kaniyang mag-ama. Sa isang larawan nina Billy at Baby Amari ay makikitang buhat nito ang kaniyang anak kahit pa tila kagigising niya lang.

Isang larawan pa ng mag-ama ang umantig sa puso ng publiko dahil sa kahit pa antok na antok na ang batikang host ay karga pa rin niya ang kanilang anak na sarap na sarap sa kanilang pagtulog.




Narito ang mga komento ng mga netizens patungkol sa mga larawan nina Billy at Baby Amari:
“Ohhh… Sarap ng tulog ni daddy!” Komento ng isang netizen.

“Hands on dad!” Pahayag naman ng isa pa.

“Young Billy sa ‘That’s Entertainment’ noon. Ngayon, a responsible father na. Bihira na ang lalaki na ganito.” Turan naman ng isa.




error: Content is protected !!