Mga gwapong pulis, usap-usapan ngayon sa social media, netizens tila nais dumaan nang dumaan sa mga checkpoint!



Marahil, marami sa ating mga Pilipino ang madalas na umiiwas sa mga “checkpoint” lalo na kung hindi kumpleto ang papeles ng motorsiklo, o di kaya naman ay walang helmet, o kaya naman ay mayroong hindi nasunod sa batas. Tiyak kasing huli at kakailanganin mo pang magmulta para lamang maibalik sa iyo ang iyong lisensiya o ang iyong sasakyan.



Ngunit tila nag-iba yata ang ihip ng hangin dahil maraming mga netizens ang nagnanais na dumaan nang dumaan o di kaya naman ay makaranas ng mga checkpoints na ito! Nag-viral kamakailan lamang ang mga gwapong pulis na ito sa isang COVID-19 checkpoint sa Central Visayas.

Maraming mga netizens ang nagnanais na makilala sila. Mayroon pa ngang iilan na nagdarasal na sana raw ay ma-transfer o malipat sa kanilang lugar ang mga gwapong pulis na ito upang doon na lamang sila magsagawa ng kanilang mga checkpoints.


Sila ay nakilala bilang sina Patrolmen Jesus Burgos, BJ Laurel, at Bryan Garcia. Sila ay nakadestino sa isang checkpoint sa Escalante City sa Negros Occidental. Ngunit kumalat na nga sa maraming mga lugar sa Pilipinas ang kanilang mga larawan.


Hindi na mabilang ang mga taong humahanga pa lalo sa mga pulis na ito dahil katulad ng mga doktor at mga nars natin sa bansa ay ginagawa din nila ang lahat upang mapanatiling ligtas ang publiko hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa ibang pang klase ng krimen, kalamidad at sakuna. Ang Facebook page na “SunStar Bacolod News” mismo ang nagbahagi ng mga larawan ng mga gwapong pulis na ito sa kanilang social media page.


Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring inuulan ng papuri at paghanga ang mga alagad ng batas na ito. Kung marami ang nagnanais na makilala ang mga ito, marami din naman ang tila ba nagnanais na doon na lamang manirahan sa lugar kung saan madalas na makikita ang mga makikisig na mga pulis na ito.




error: Content is protected !!