Babaeng nakabili ng “fake teeth cover”, dinaan na lamang sa biro ang labis na pagkadismaya sa produktong nabili!



Dahil sa pandemya na patuloy nating nararanasan, mas maraming mga Pilipino ang nahikayat na bumili ng mga pangunahin nilang pangangailangan sa mga “online shipping platforms”. Kahit pa nga minsan ay malaki din ang kailangang bayaran na “shipping fee” o di kaya naman ay matagal ang inaabot bago pa man dumating ang produkto ay hindi na ito alintana pa ng maraming mga mamimili dahil sa mas madali at ligtas ang pag-order online kaysa sa lumabas pa sila ng kanilang mga bahay ay pumunta sa mga mall.



Ngunit kamakailan lamang, tulad ng kinatatakutan ng maraming mga mamimili, naranasan ng netizen na si Aleahcim Eam Zetroc ang makatanggap ng pekeng produkto. Naingganya kasi siyang bumili ng “teeth cover” para sa kaniyang ina na si Susana Cortez dahil sa nais niyang mas pumuti pa ang mga ngipin nito.

Ngunit hindi niya akalain na ibang iba pala ang hitsura ng produktong matatanggap niya kumpara sa makikita sa mga “Ads” nito. Labis na pagkadismaya at panghihinayang ang kaniyang naramdaman dahil sa nangyari ngunit sa halip na magwala ay dinaan na lamang niya sa pagbibiro ang lahat.


Ayon sa naging pahayag niya sa kaniyang viral post, tuwang-tuwa siyang makita ang produktong ito kung kaya naman agad niyang naisip na iregalo ito sa kaniyang ina. Napaniwala din siya ng mga nakakabilib na “video ads” kung kaya naman talagang ninais niyang makabili nito.


Dumating ang araw na kaniyang pinakahihintay at natanggap na nga niya ang kaniyang binili ngunit nang sukatin niya ito ay talagang nagulat siya! Nagmistula kasi siyang “bampira” dahil sa napakalaki nito at hindi talaga sukat sa kaniya tulad ng nasa mga “Ads”.

Paalala pa ng netizen sa ibang mga mamimili sukatin muna ang mga inoorder online bago ito tuluyang bayaran upang hindi masayang ang pera na kanilang ipambibili nito. Naging napakalaking aral nito para sa kaniya.



“Pinagloloko niyo ba kami mga Pilipino? Ang ganda-ganda ng mga ads niyo,” Bahagi ng pahayag ng netizen sa kaniyang viral post na umani ng napakaraming mga komento mula sa publiko.




error: Content is protected !!