Donita Nose at Ogie Diaz, nagsalita na patungkol sa isyung kinakaharap ngayon ni Tekla at ng kaniyang live-in partner!



Si Tekla o Romeo Librada ay isang sikat na komedyante at host. Una na siyang hinangaan ng publiko dahil sa pambihirang husay niya sa pagpapatawa.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang patungkol sa naging alitan nila ng kaniyang live-in partner ng halos apat na taon na si Michelle Lhor Bana-ag. Ayon sa naging reklamo niya sa programa ni Raffy Tulfo ay ginugutom at hindi raw sinusustentuhan ni Tekla ang pamilya nito sa tuwing tatanggi siyang makipagsiping dito.



Maging ang kapatid ni Michelle at ang kinakasama nito, gayundin ang ilang mga pamangkin niya ay apektado ng ginagawang ito ni Tekla sa kanila. Naging mabigat ang mga akusasyong ito ni Michelle laban kay Tekla kung kaya naman maraming mga netizens ang talagang nagalit at nagkomento patungkol dito.


Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin ng publiko ang magiging sagot ni Tekla sa mga paratang sa kaniya. Kamakailan lamang ay nagsalita na rin ang ilan sa kaniyang malalapit na mga kaibigan tulad na lamang halimbawa ni Donita Nose na isang sikat na host at komedyante.


Batid niyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawa noon pa man, at kahit pa nga nagbubuntis noon si Michelle ay hindi pa rin nito matigilan ang kaniyang bisyo na naging dahilan upang maapektuhan ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Dahil nga kinailangang maoperahan ang kanilang anak ay nanghingi ng tulong si Tekla sa ilang mga kilalang personalidad at agad naman siyang tinulungan ng mga ito.


Ngunit maging ang perang nakalap niya ay nais ding malaman ni Michelle kung saan napunta lahat. Samantala, ipinagtanggol naman ni Donita si Tekla dahil sa apat na taon na rin nitong tinutulungan at sinusuportahan si Michelle at ang kaniyang buong pamilya kung kaya naman hindi niya lubos maisip kung bakit gagawin ito ng kaniyang kinakasama sa kaniya.



Nagsalita rin naman si Ogie Diaz na magiging ninong pala dapat ng kanilang “miracle baby” dahil sa nakausap na niya si Tekla patungkol sa mga akusasyong ito. Ang naging paliwanag sa kaniya nito ay hindi totoo ang mga paratang ni Michelle at nag-iimbento na lamang ito upang masira siya.

Sa ngayon ay marami pa rin ang nagtatanong kung kailan nga ba magsasalita si Tekla upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.




error: Content is protected !!