Scarlet Snow Belo nagtanong sa kaniyang Daddy Hayden: “What if there is no God?”



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang katanungang ito ni Scarlet Snow Belo sa kaniyang Daddy Hayden Kho. Sa ibinahaging video ng huli sa kaniyang Instagram account ay maririnig siyang nakikipag-usap sa kaniyang anak na si Scarlet na nagtanong ng mga katagang: “Daddy, what if only, don’t get mad at me. What if there is no God? Like, there is no Jesus?”



Agad naman itong sinagot ng kaniyang ama na nagsabing, “Then the world would be crazy because everyone would be like God.” Nagtanong naman muli si Scarlet sa kaniyang ama at sinabing, “No, like what if there is no God and nobody knew even us because there is none.”

Nagpatuloy lang sa pagtatanong ang bata at buong pagtatakang tinanong muli kung ano nga ba ang mangyayari kung walang Diyos ngunit mayroong Diyablo.
“The world would fall apart. The earth will go up in flames. The people will be hurting each other.” Mahinahon namang pagpapaliwanag ni Hayden.






“We won’t have a Father who would protect us, who would provide for us. No one to tell us what is right and wrong,” Dagdag pa niya.


Mayroon namang isang netizen na nagkomentong malalaman din ni Scarlet ang mga kasagutan sa kaniyang mga tanong kapag nasa wastong gulang na ito. Ngunit para kay Hayden, responsibilidad niyang gabayan ang kaniyang pamilya dahil siya ang pinuno o ulo ng kanilang sambahayan.



“As a father and head of the family, I take the important responsibility of creating our family vision, and leading my family to it according to the values that are most important to us. That includes first and foremost, godliness. Thank you for your concern.” Komento ni Hayden sa naging pahayag ng naturang netizen.



 

View this post on Instagram

 

I’ve been thinking about this for a long time. #ByeByeBadness #JesusStore

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on

Si Hayden Kho Jr. ay 40 taong gulang na cosmetic surgeon, aktor, modelo, entreprenyur, at public speaker. Taong 2017 nang ikasal sila ng matalik niyang kaibigan at longtime girlfriend na si Vicki Belo sa Paris. Biniyayaan sila ng isang anak noong Mayo 2016 at pinangalanan nila siyang Scarlet Snow Belo.




error: Content is protected !!